Elder Steven R. Bangerter
General Authority Seventy
Sa isang camping trip noong siya ay bata pa, sumakay sa mga motorsiklong pangharabas sina Elder Steven R. Bangerter at kanyang pamilya paakyat sa tuktok ng bundok. Nang pababa na, naligaw siya at napahiwalay sa iba.
Habang nakaluhod nang hapong iyon at humihingi ng tulong sa kanyang Ama sa Langit, nakita niya sa kanyang isipan ang bulaos na dapat niyang daanan. Nang magsisimula na siyang bumaba, “narating na ng aking kapatid ang tuktok ng bulaos sakay ng kanyang motorsiklo, niyakap ako, at inalalayan sa madilim na daang pabalik sa kampo, na ilang oras pa bago marating.”
Ang pangyayaring iyon ay isa lamang sa maraming pagkakataon na nakadama siya ng pagmamahal noong kanyang kabataan. “Hindi ko naisip kahit kailan sa buhay ko kung ako ba ay minamahal o pinagmamalasakitan,” sabi ni Elder Bangerter.
Si Elder Bangerter ay isinilang sa Salt Lake City, Utah, USA kina Max E. at Thelma R. Bangerter noong Hulyo 29, 1961. Lumaki siya sa Granger, Utah.
Ilang linggo pa lang siyang nakababalik mula sa paglilingkod sa Canada Vancouver Mission, nakilala ni Elder Bangerter si Susann Alexis Hughes. Sa kanilang unang pagdedeyt, naramdaman niya na may balak itong maglingkod kaya naramdaman niyang kailangan na niya itong yayaing pakasal sa susunod na pagdedeyt nila. Sila ay ibinuklod sa Salt Lake Temple noong Marso 17, 1983. Anim ang kanilang naging anak.
Si Elder Bangerter ay nagtapos ng bachelor of arts degree mula sa Arizona State University sa religious studies at juris doctor degree mula sa Western State University College of Law. Mula sa nakalipas na 25 taon, naging kinatawan si Elder Bangerter ng mga simbahan at mga organisasyong may kaugnayan sa relihiyon sa mga usaping legal sa Southern California at southern Utah. Siya ay bahagi ng Cooksey, Toolen, Gage, Duffy, at Woog mula 1993 hanggang 2003 at naging katuwang na tagapamahala ng Bangerter, Frazier, at Graff noong 2004.
Si Elder Bangerter ay naglingkod bilang Area Seventy, stake president, tagapayo sa stake presidency, bishop, elders quorum president, at ward Young Men president.