2018
Elder Matthew L. Carpenter
May 2018


Elder Matthew L. Carpenter

General Authority Seventy

Elder Matthew L. Carpenter

Ginunita ni Elder Matthew L. Carpenter ang unang pagkakataon na nadama niya ang Espiritu Santo. Maliit pa lang siya noon, mga pitong taong gulang, na nakaupo sa klase nila sa junior Primary. May liwanag na pumasok sa silid, at nakadama siya ng mainit na pakiramdam na noon lang niya naramdaman.

“May pumukaw sa puso ko—hindi dahil nainitan ako,” sabi niya. “Alam kong totoong may Diyos; nadama ko ito.”

Nong siya ay 11 taong gulang, dumalo siya ng sesyon ng pangkalahatang kumperensya sa Salt Lake Tabernacle kasama ng kanyang ama. Unang beses iyon na nakasama niya sa iisang silid ang propeta, si Pangulong Joseph Fielding Smith.

“Noong makita ko siya,” sabi niya, “pinagtibay sa akin ng Espiritu na siya ay propeta.”

Ang mga simpleng espirituwal na pagpapatibay na ito na kanyang nadama sa murang edad ay nakatulong sa kanya na gawing gabay ang Espiritu sa buong buhay niya.

“Ang aking patotoo ay hindi sa minsanang pagpapakita ng mga anghel,” sabi ng General Authority Seventy, na sinang-ayunan noong Marso 31, 2018, “ngunit ito ay nabuo at lumakas sa paglipas ng panahon.”

Si Matthew Leslie Carpenter ay ipinanganak sa Salt Lake City, Utah, USA, noong Oktubre 21, 1959, kina Leone Erekson at Robert Allred Carpenter. Siya ang bunso sa walong magkakapatid, na may limang kapatid na babae na mas matanda sa kanya.

Sa huling buwan niya sa high school, nakilala niya si Michelle “Shelly” Brown. Nagsimula silang magdeyt ngunit itinigil muna pansamantala ang pagliligawang ito nang maglingkod siya sa Swiss Geneva Mission mula 1979 hanggang 1981. Pagkabalik niya sa misyon, ikinasal ang magkasintahan sa Salt Lake Temple noong Hulyo 9, 1982. Sila ay may limang anak.

Si Elder Carpenter ay nagtapos ng bachelor’s degree sa finance mula sa Brigham Young University at ng master of business administration degree mula sa Harvard Business School. Nitong huli ay nagtrabaho siya bilang managing director ng Foundation Specialty Financing Fund.

Si Elder Carpenter ay naglingkod bilang bishop, tagapayo sa bishopric, stake Young Men president, high councilor, stake president, at Area Seventy.