Elder Juan Pablo Villar
General Authority Seventy
Nalaman ni Elder Juan Pablo Villar ang tungkol sa Simbahan sa Santiago, Chile, nang ibalita sa pamilya ng kanyang panganay na kapatid na si Ivan, na nabinyagan ito nang walang pahintulot mula sa kanyang mga magulang at sinabi kalaunan na plano nitong magmisyon. Nang tanungin kung bakit, ibinahagi ni Ivan ang kanyang patotoo at pagnanais na maglingkod.
“Hindi ko naunawaan ang lahat ng kahulugan niyon,” paggunita ni Elder Villar, na 17 anyos noon. “Pero sa sandaling iyon, nakapagtanim siya ng binhi sa puso ko.”
Ang binhing iyon ay nabigyan ng pagkakataong lumago nang ipakilala siya ng kanyang kapatid sa mga missionary. Sa unang lesson na itinuro sa kanya, nagkaroon si Elder Villar ng sariling patotoo sa katotohanan ng Aklat ni Mormon.
“Para sa sarili ko, hindi na kinailangang lumuhod ako at magdasal, dahil nang sandaling ibinahagi nila ang kanilang mga patotoo, alam ko sa puso ko na ito ay totoo,” sabi niya. “Nang malaman ko iyon, lahat ng iba pa ay nalaman kong totoo.”
Si Ivan, na naglilingkod sa isang kalapit na mission, ay pinahintulutang magbinyag kay Elder Villar noong 1988. Kalaunan, ang kanilang ina at isa pang kapatid, si Claudio, ay sumapi na rin sa Simbahan.
Isang taon pagkatapos ng kanyang binyag, nagsimulang maglingkod si Elder Villar sa Chile Viña del Mar Mission, na simula na ng habambuhay na paglilingkod na kinabibilangan ng paglilingkod bilang stake president, bishop, tagapayo sa bishopric, tagapayo sa Chile Santiago East Mission, at Area Seventy sa South America South Area. Siya ay sinang-ayunan noong Marso 31, 2018, bilang General Authority Seventy.
Si Elder Villar ay isinilang noong Setyembre 11, 1969, sa Valparaiso, Chile, kina Sergio Villar Vera at Genoveva Saaverdra. Pinakasalan niya si Carola Cristina Barrios noong Marso 31, 1994, sa Santiago Chile Temple. Sila ay may tatlong anak.
Matapos magtamo ng bachelor’s degree sa social communications and public relations at ng master’s degree sa marketing, nagtrabaho siya sa pharmaceutical at medical devices industry. Noong 2007 kumuha pa siya ng master’s degree sa business administration mula sa Brigham Young University. Pagkatapos ay bumalik siya sa Chile para magtrabaho sa Orica, isang mining services company, bilang senior manager nito lang.