Pagbabago sa Istruktura ng mga Korum
Ang ward (o branch) high priests group at elders quorum ay pagsasamahin na ngayon sa isang elders quorum, ang ipinabatid ni Pangulong Russell M. Nelson sa sesyon sa priesthood ng pangkalahatang kumperensya. Ang stake presidency ay patuloy pa ring maglilingkod bilang panguluhan ng stake high priests quorum, ngunit ang korum na iyan ay kabibilangan lamang ng mga high priest na kasalukuyang naglilingkod sa stake presidency, sa bishopric, sa high council, at mga gumaganap na patriarch.
Ang elders quorum ay pamumunuan ng isang panguluhan na maaaring kabilangan ng mga elder at high priest. Ang elders quorum president ay magrereport sa stake president at regular na makikipag-usap sa bishop. Ang mga katungkulan sa Priesthood ay tulad pa rin ng dati. Ang kasalukuyang ward (o branch) elders quorum presidency at high priests group leadership ay ire-release, at tatawag ang stake president ng bagong elders quorum presidency.