Mga Tampok na Kaganapan sa Ika-188 Taunang Pangkalahatang Kumperensya
Ang pangkalahatang kumperensyang ito ay makasaysayan sa maraming dahilan, kabilang na ang pagbabago ng mga korum ng Melchizedek Priesthood at pagsisimula ng bagong yugto ng paglilingkod. Ngunit malamang ang pinaka-inabangan ay ang ating indibidwal na pagkakataon na sang-ayunan si Pangulong Rusell M. Nelson bilang ika-17 Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Isang Kapita-pitagang Kapulungan
Nang tayo ay tumayo at sinang-ayunan ang bagong propeta at Pangulo, ang itinaas nating mga kamay ay hindi binilang ng kahit na sinong tao na tagatabi ng mga talaan; ang mga ito ay nabilang sa langit bilang isang tipan sa Diyos.
Sa buong kumperensya, nakakita tayo ng ebidensiya na ito ang Simbahan ng Tagapagligtas, na ginagabayan Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga tagapaglingkod. Nakita natin ang pwesto ng isang buhay na propeta na may kinalaman sa atin—hindi namamagitan sa atin at sa Tagapagligtas ngunit katabi natin at itinuturo ang daan patungo sa Tagapagligtas. Naranasan natin ang pagkakataon na makatanggap ng “personal na kumpirmasyon na ang pagkatawag kay Pangulong Nelson ay nagmula sa Diyos” at pag-angkla ng “ating mga kaluluwa sa Panginoong Jesucristo [sa pamamagitan ng] pakikinig sa mga isinusugo niya” (tingnan sa Elder Neil L. Andersen sa pahina 26).
-
Maaari mong mas malaman pa ang tungkol kay Pangulong Russell M. Nelson sa 16 pahina na special supplement na kasama sa May 2018 Ensign at Liahona.
Pagsang-ayon sa mga Bagong Lider
Bukod pa sa pagsang-ayon kay Pangulong Nelson, sinang-ayunan din natin ang higit pa sa 70 bagong mga lider.
-
Tingnan ang listahan ng mga nasang-ayunan, kabilang ang mga bagong Area Seventy, sa pahina 6–8, 28–29.
-
Basahin ang maiikling mga bayograpiya ng mga bagong lider sa pahina 121.
Pagbabago sa mga Korum at Ministering
Bagamat pinapatnubayan ng mga propeta, ang mga pagbabago na inanunsyo sa kumperensya ay “mga halimbawa ng paghahayag [mula sa Diyos] na gumagabay sa Simbahang ito simula pa noong umpisa nito,” sinabi ni Elder Jeffrey R. Holland (tingnan sa pahina 101).
-
Basahin ang mga tagubilin sa pagbabago ng mga korum mula kay Pangulong Nelson, Elder D. Todd Christofferson, at Elder Ronald A. Rasband, simula sa pahina 54.
-
Basahin ang mga tagubilin sa ministering mula kay Pangulong Nelson, Elder Holland, at Sister Jean B. Bingham, simula sa pahina 100.
-
Humanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga pagbabagong ito at instructional resources sa news section sa pahina 132–133.
Karagdagang mga Templo
Upang bigyang-diin ang “ating mensahe sa mundo” na “inaanyayahan natin ang lahat ng anak ng Diyos sa magkabilang panig ng tabing na lumapit sa kanilang Tagapagligtas, tanggapin ang mga pagpapala ng banal na templo, magkaroon ng walang-hanggang kagalakan, at maging karapat-dapat sa buhay na walang hanggan,” nag-anunsyo si Pangulong Nelson ng pitong bagong mga templo.
-
Alamin kung saan itatayo ang pitong bagong templo, sa pahina 133.