2018
Lisa L. Harkness
May 2018


Lisa L. Harkness

Unang Tagapayo sa Primary General Presidency

Lisa L. Harkness

Noon pa man mahilig ng pag-aralan ni Lisa L. Harkness ang mga bagay sa kanyang kapaligiran, isang ugaling namana niya mula sa kanyang mga magulang. Siya ay nag-aral ng political science at natuto pang humawak ng mga reptile—kasama na riyan ang mga ahas—habang nagtatrabaho sa Monte L. Bean Life Science Museum noong siya ay nasa Brigham Young University.

“Mayroon silang personalidad, maniwala ka man o hindi,” sabi niya. “May isang nakikilala ako sa tuwing hahawakan ko siya.” Si Howard, isang boa constrictor na may pulang buntot, ay gumagapang sa kanyang (Sister Craven) balikat, pumupulupot sa kanyang leeg, at inihihimlay ang ulo sa kanyang ulunan habang nagtuturo siya sa mga grupong pumupunta sa museo.

Hanggang ngayon, kaya pa rin niyang hawakan at tukuyin ang iba’t ibang uri ng ahas—basta huwang lamang itong sasagitsit sa kanya.

Si Sister Harkness ay isinilang sa Los Angeles, California, USA, kina Ronald at LaRae Long noong Enero 13, 1965. Ang panganay sa limang anak, ang kanilang pamilya ay “mahilig pumunta sa iba’t ibang lugar para maglibot, at pag-aralan ang kapaligiran.” Dahil alam niyang maaari siyang magtanong sa kanyang mga magulang, sabi niya, “Naniniwala ako nang lubos na maaari din akong magtanong sa Ama sa Langit at makatanggap ng sagot.”

Matapos maglingkod sa Spanish-speaking mission sa Louisiana Baton Rouge Mission, si Sister Harkness ay nagtapos sa BYU ng bachelor of science degree in political science and secondary teaching. Nagpakasal sila ni David S. Harkness noong Abril 22, 1988 sa Salt Lake Temple. Sila ay may limang anak at dalawang apo.

Si Sister Harkness—na tinawag bilang Unang Tagapayo sa Primary General Presidency noong Marso 31, 2018—ay naglingkod din bilang miyembro ng Primary general board, stake Young Women president, ward Relief Society president, tagapayo sa ward Young Women presidency, Mia Maid adviser, Young Women camp director, stake family history director, ward family history consultant, at Gospel Doctrine teacher.

Nagboluntaryo din siya sa parent-teacher association sa kanilang lugar, sa community council, sa Utah Symphony, at sa Timpanogos Storytelling Festival, gayundin sa kanyang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang posisyon.