2018
Pagtutuon sa Ministering
May 2018


Pagtutuon sa Ministering

Ang home teaching at visiting teaching ay ititigil na, ang ipinabatid ni Pangulong Russell M. Nelson sa sesyon sa Linggo ng hapon ng pangkalahatang kumperensya. Sa “ministering,” isang “bago at mas banal na pamamaraan” na pangangalaga sa iba na tulad ng pangangalaga ni Cristo, pagkakaisahin ang lahat ng pagsisikap at gawain upang tulungan ang mga miyembro sa kanilang espirituwal at temporal na pangangailangan.

Si Sister Jean B. Bingham, Relief Society General President, at si Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ay nagsalita rin tungkol sa kung paano mas maitutuon ng bagong pamamaraang ito ang mga gawain ng Melchizedek Priesthood quorum at Relief Society sa ministering tulad ng ginawa ng Tagapagligtas (tingnan sa mga pahina 101 at 104).

Ang mga Laurel at Mia Maid ay maglilingkod bilang kompanyon sa ministering ng kababaihan ng Relief Society. Sa interbyu na gagawin kada tatlong buwan, ang mga kapatid na lalaki at babae na nagministeryo ay makikipag-usap sa kanilang mga lider tungkol sa mga pangangailangan at kakayahan ng mga taong naka-assign sa kanila. Ang tanging pormal na report na gagawin ay ang bilang ng interbyu na ginawa ng mga lider kada tatlong buwan. Mahalagang magbisita hangga’t maaari, ngunit sa ministering, walang tinukoy na partikular na paraan para makontak sila palagi bawat buwan.

“Ang mga kabataan ay maaaring maibahagi ang kanilang natatanging mga kaloob at paunlarin ang kanilang espirituwalidad habang naglilingkod sila kasama ang mga mas nakatatanda sa gawain ng kaligtasan,” sabi ni Sister Bingham. Sa pakikibahagi ng mga kabataan madaragdagan din ang bilang ng mga miyembro na nangangalaga sa isa’t isa at tumutulong sa mga kabataan na “maging [mas] handa para magampanan ang kanilang tungkulin bilang mga lider sa Simbahan at komunidad at bilang kapaki-pakinabang na katuwang sa kanilang pamilya.”

Kami sa Church headquarters ay hindi nangangailangan na malaman kung paano o saan o kailan ninyo kinokontak ang mga miyembro ninyo,” ang sabi ni Elder Holland;” ang nais naming malaman ay na ginagawa ninyo ito at pinagpapala sila sa bawat paraan na kaya ninyong gawin.”

Ayon sa isang liham ng Unang Panguluhan, maaaring matagalan ang pag-aakma sa ministering ngunit dapat na itong magawa sa lalong madaling panahon. Ang Ministering.lds.org ay nagbibigay ng mga karagdagang detalye, kasama ang mga sagot sa mga madalas itanong. Ang mga instructional video at iba pang mga sanggunian ay idaragdag sa website sa mga darating na linggo.

Simula sa Hunyo, magtatampok na sa Liahona ng buwanang lathalain na tatawaging “Mga Alituntunin ng Ministering” upang tulungan ang mga miyembro na maunawaan kung paano maging higit na tulad ni Cristo sa paglilingkod sa isa’t isa.