Pitong Bagong Templo Ibinalita
Magtatayo ng mga templo sa Salta, Argentina; Bengaluru, India; Managua, Nicaragua; Cagayan de Oro, Philippines; Layton, Utah, USA; Richmond, Virginia, USA; at isang pangunahing lungsod na aalamin pa sa Russia, ang ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson sa pagtatapos ng sesyon sa Linggo ng hapon ng pangkalahatang kumperensya.
Bago mag-kumperensya, ibinalita ng Unang Panguluhan ang paglalaan sa Rome Italy Temple sa Linggo, Marso 10, 2019, hanggang sa susunod na Linggo, Marso 17, 2019. Naglabas din ang Simbahan ng artistic rendering ng Bangkok Thailand Temple.
Noong Oktubre 2017, nagdaos ng groundbreaking para sa the Port-au-Prince Haiti Temple; ang Meridian Idaho Temple ay inilaan noong Nobyembre 2017; at ang Cedar City Utah (USA) Temple ay inilaan noong Disyembre 2017.
Dawalang templo ang malapit nang ilaang muli: ang Houston Texas Temple sa Linggo, Abril 22, 2018, matapos makumpuni ang mga pinsalang idinulot ng pagbaha; at ang Jordan River Utah Temple sa Linggo, Mayo 20, 2018, matapos ang mga renobasyon. At dalawang karagdagang templo pa ang ilalaan kalaunan sa taong ito: ang Concepción Chile Temple sa Linggo, Oktubre 28, 2018; at ang Barranquilla Colombia Temple sa Linggo, Disyembre 9, 2018.
Ang Hamilton New Zealand Temple ay isasara sa Hulyo 2018 para sa ekstensibong renobasyon at muling ilalaan sa 2021.
Kasalukuyang may 159 na ginagamit na templo sa buong mundo at 30 templo na itatayo o kasalukuyang itinatayo.