Ang Pagsang-ayon sa mga Pinuno ng Simbahan
Ipinapaalam namin na ang ulat sa estadistika na nakaugaliang ilahad sa sesyong ito ng pangkalahatang kumperensya ng Abril ay kaagad nang ilalathala ngayon sa LDS.org kasunod ng sesyong ito at sa isyu ng kumperensya ng mga magasin ng Simbahan.
Ilalahad ko ngayon ang ilang mga pagbabago sa pamunuan ng Simbahan at sa Pangkalahatang Pinuno at mga Area Seventy ng Simbahan para sa boto ng pagsang-ayon, at pagkatapos ay babasahin ni Brother Kevin R. Jergensen, managing director ng Church Auditing Department, ang taunang ulat.
Dahil sila ay tinawag na maglingkod bilang mga bagong miyembro ng Korum ng Labindalawa, inire-release sina Elder Gerrit W. Gong at Ulisses Soares bilang mga miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu.
Bukod pa rito, inire-release din sina Elder Craig C. Christensen, Lynn G. Robbins, at Juan A. Uceda mula sa kanilang paglilingkod bilang miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu, simula sa Agosto 1, 2018.
Lahat ng nais makiisa sa amin sa pasasalamat sa mga Kalalakihang ito para sa kanilang paglilingkod, mangyaring ipakita lamang.
Iminumungkahi na i-release ang mga sumusunod sa kanilang paglilingkod bilang mga Area Seventies: Steven R. Bangerter, Matthew L. Carpenter, Mathias Held, David P. Homer, Kyle S. McKay, R. Scott Runia, at Juan Pablo Villar.
Ang mga nais makiisa sa pasasalamat sa mga kapatid na ito para sa kanilang mahusay paglilingkod, mangyaring ipakita sa pamamagitan ng pagtataas ng mga kamay.
Iminumungkahi na i-release nang may taos-pusong pasasalamat sina Sister Bonnie L. Oscarson, Carol F. McConkie, at Neill F. Marriott bilang Young Women General Presidency. Inire-release din ang mga miyembro ng Young Women general board, na napakahusay na naglingkod.
Lahat ng nais makiisa sa amin sa pasasalamat sa kababaihang ito para sa kanilang pambihirang paglilingkod at katapatan, mangyaring ipakita.
Iminumungkahi na i-release si Bonnie H. Cordon bilang Unang Tagapayo sa Primary General Presidency.
Ang mga nais magpasalamat kay Sister Cordon ay magtaas lamang ng kamay.
Iminumungkahing sang-ayunan ang mga sumusunod na maglingkod bilang mga miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu, sa lalong madaling panahon: Sina Elder Carl B. Cook at Elder Robert C. Gay.
Ang mga sumusunod ay maglilingkod din bilang mga miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu, simula Agosto 1, 2018: sina Elder Terence M. Vinson, Elder José A. Teixeria, at Elder Carlos A. Godoy.
Ang mga sang-ayon, mangyaring ipakita.
Ang mga hindi sang-ayon, kung mayroon.
Iminumungkahi na sang-ayunan ang mga sumusunod bilang bagong mga General Authority Seventy: sina Steven R. Bangerter, Matthew L. Carpenter, Jack N. Gerard, Mathias Held, David P. Homer, Kyle S. McKay, Juan Pablo Villar, at Takashi Wada.
Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita.
Ang mga hindi sang-ayon, ipakita rin.
Iminumungkahing sang-ayunan natin bilang mga bagong Area Seventies ang mga sumusunod: Richard K. Ahadjie, Alberto A. Álvarez, Duane D. Bell, Glenn Burgess, Víctor R. Calderón, Ariel E. Chaparro, Daniel Córdova, John N. Craig, Michael Cziesla, William H. Davis, Richard J. DeVries, Kylar G. Dominguez, Sean Douglas, Michael A. Dunn, Kenneth J. Firmage, Edgar Flores, Silvio Flores, Saulo G. Franco, C. Alberto Genaro, Mark A. Gilmour, Sergio A. Gómez, Roberto Gonzalez, Virgilio Gonzalez, Spencer R. Griffin, Matthew S. Harding, David J. Harris, Kevin J. Hathaway, Richard Holzapfel, Eustache Ilunga, Okechukwu I. Imo, Peter M. Johnson, Michael D. Jones, Pungwe S. Kongolo, G. Kenneth Lee, Aretemio C. Maligon, Edgar A. Mantilla, Lincoln P. Martins, Clement M. Matswagothata, Carl R. Maurer, Daniel S. Mehr II, Glen D. Mella, Isaac K. Morrison, Yutaka Nagatomo, Allistair B. Odgers, R. Jeffrey Parker, Victor P. Patrick, Denis E. Pineda, Henrique S. Simplicio, Jeffrey H. Singer, Michael L. Staheli, Djarot Subiantoro, Jeffrey K. Wetzel, Michael S. Wilstead, Helmut Wondra, at David L. Wright.,
Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita.
Ang mga hindi sang-ayon, kung mayroon.
Iminumungkahi na sang-ayunan sina Bonnie H. Cordon bilang Young Women General President, kasama sina Michelle Lynn Craig bilang Unang Tagapayo at Rebecca Lynn Craven bilang Pangalawang Tagapayo.
Ang mga sang-ayon ay ipakita lamang.
Ang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.
Iminumungkahi na sang-ayunan si Lisa Rene Harkness bilang Unang Tagapayo sa Primary General Presidency.
Ang mga sang-ayon ay ipakita lamang.
Ang mga hindi sang-ayon, kung mayroon.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin ang iba pang kasalukuyang mga General Authority, Area Seventy, at General Auxiliary Presidency.
Lahat ng sang-ayon, ipakita lamang.
Ang mga hindi sang-ayon, kung mayroon.
Pangulong Nelson, naitala na po ang pagboto. Inaanyayahan namin ang mga tumutol sa alinman sa mga iminungkahi na kontakin ang kanilang stake president.
Sa naganap na mga pag-sang-ayon, mayroon na tayo ngayong 116 na General Authority. Halos 40 porsyento sa kanila ay ipinanganak sa labas ng Estados Unidos—sa Germany, Brazil, Mexico, New Zealand, Scotland, Canada, South Korea, Guatemala, Argentina, Italy, Zimbabwe, Uruguay, Peru, South Africa, American Samoa, England, Puerto Rico, Australia, Venezuela, Kenya, Pilipinas, Portugal, Fiji, China, Japan, Chile, Colombia, at France.
Mga kapatid, salamat sa inyong patuloy na pananampalataya at panalangin para sa mga pinuno ng Simbahan.
Inaanyayahan namin ngayon ang mga bagong General Authority Seventy at ang bagong Young Women General Presidency at si Sister Harkness ng Primary General Presidency na maupo sa kanilang upuan sa itaas.