Institute
Lesson 7 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Panunumbalik ng Priesthood


“Lesson 7 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Panunumbalik ng Priesthood,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Pundasyon ng Panunumbalik (2019)

“Lesson 7 Materyal sa Paghahanda para sa Klase,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Pundasyon ng Panunumbalik

Lesson 7 Materyal sa Paghahanda para sa Klase

Panunumbalik ng Priesthood

Joseph Smith Baptizes Oliver Cowdery, ni Del Parson

Isipin ang huling pagkakataon na nakibahagi ka sa ordenansa ng priesthood o tumanggap ng basbas ng priesthood. Ano ang naramdaman mo sa karanasang ito? Habang pinag-aaralan mo ito, isipin kung paano mo natamo ang mga pagpapala ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng awtoridad at mga susi ng priesthood.

Bahagi 1

Paano ipinanumbalik ng Panginoon ang awtoridad ng priesthood sa lupa?

Nagkaroon ng mga tanong sina Joseph Smith at Oliver Cowdery tungkol sa awtoridad ng priesthood habang isinasalin nila ang Aklat ni Mormon. Nabasa nina Joseph at Oliver sa 3 Nephi na pagkatapos ituro ni Jesus sa Kanyang labindalawang disipulong Nephita na ang binyag ay kailangan para sa kaligtasan, pinagkalooban Niya ang mga disipulo ng awtoridad ng priesthood na magbinyag (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:68; 3 Nephi 11:21–27).

Tumimo kina Joseph at Oliver ang mga turong ito. … Hindi pa nabibinyagan si Joseph, at nais pa niyang malaman ang tungkol sa ordenansa at awtoridad na kinakailangan upang magawa ito.

Noong Mayo 15, 1829 huminto ang mga pag-ulan at naglakad sina Joseph at Oliver patungo sa kakahuyan malapit sa Ilog Susquehanna. Lumuhod sila at itinanong sa Diyos ang tungkol sa pagbibinyag at kapatawaran ng mga kasalanan. Habang nagdarasal sila, ang tinig ng Manunubos ay nangusap ng kapayapaan sa kanila, at isang anghel ang nagpakita sa isang ulap ng liwanag. Ipinakilala niya ang sarili bilang si Juan Bautista at ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanilang mga ulunan. Napuno ng kagalakan ang kanilang mga puso nang mapalibutan sila ng pagmamahal ng Diyos. (Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 [2018], 75–77)

Upon You My Fellow Servants, ni Linda Curley Christensen

Pagkatapos ay ipinagkaloob ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood sa kanila, tulad ng nakatala sa Joseph Smith—Kasaysayan at Doktrina at mga Tipan 13.

icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–70, 72. (Tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 13.)

Kalaunan pagkatapos matanggap nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Aaronic Priesthood mula kay Juan Bautista, natanggap nila ang Melchizedek Priesthood mula kina Pedro, Santiago, at Juan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 27:12–13). Hindi alam ang tiyak na petsa ng kaganapang ito. Gayunman, ayon sa mga katibayan sa kasaysayan, nangyari ito mga Mayo o Hunyo ng 1829.  

The Voice of Peter, James, and John ni Linda Curley Christensen

Unti-unti pang inihayag ng Panginoon ang tungkol sa priesthood at mga gawain nito at nagpadala ng mga sugo na nagkaloob ng mga karagdagang susi ng priesthood kina Joseph Smith at Oliver Cowdery. Ang sumusunod na chart ay nagpapakita ng panunumbalik na ito.

Ang Panunumbalik ng Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Petsa

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Petsa

1829

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Juan Bautista

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Ipinagkaloob ang awtoridad at mga susi ng Aaronic Priesthood (Doktrina at mga Tipan 13)

Petsa

1829

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Pedro, Santiago, at Juan

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Ipinagkaloob ang Melchizedek Priesthood at mga susi ng kaharian (Doktrina at mga Tipan 27:12–13)

Petsa

1830

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Doktrina at mga Tipan 20

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Inihayag ang mga pamamaraan sa pagbibinyag at ang sakramento, at inisa-isa ang mga tungkulin ng mga mayhawak ng priesthood

Petsa

1832

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Doktrina at mga Tipan 84

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Inihayag ang kasaysayan, layunin, at tipan ng priesthood

Petsa

1831, 1835

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Doktrina at mga Tipan 107

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Ipinanumbalik ang pagpapangalan, pangangasiwa, at istruktura ng mga katungkulan at korum ng priesthood

Petsa

1836

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Moises

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Ipinagkaloob ang mga susi sa pagtitipon ng sambahayan ni Israel (Doktrina at mga Tipan 110:11)

Petsa

1836

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Elias

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Ipinagkaloob “ang dispensasyon ng ebanghelyo ni Abraham” (Doktrina at mga Tipan 110:12)

Petsa

1836

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Elijah

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Ipinagkaloob ang mga susi para sa kapangyarihang magbuklod (Doktrina at mga Tipan 110:13–16)

Petsa

1839

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Doktrina at mga Tipan 121:34–46

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Inihayag ang dapat na pag-uugali o pagkilos ng mga mayhawak ng priesthood

Petsa

Hindi alam

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Sina Adan, Gabriel, Rafael, at iba pang mga anghel

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Nagpahayag ng kanilang dispensasyon, mga karapatan, susi, at ang kapangyarihan ng kanilang priesthood (Doktrina at mga Tipan 128:21)

Petsa

1978

Mga Sugo ng Langit at mga Paghahayag

Opisyal na Pahayag 2

Ipinanumbalik na Awtoridad ng Priesthood, mga Susi ng Priesthood, at Kaalaman tungkol sa Priesthood

Nagpahayag na makatatanggap ng priesthood ang lahat ng karapat-dapat na lalaking miyembro ng Simbahan ni Jesucristo

Paalala: Ang kahulugan ng mga partikular na susi ng priesthood ay tatalakayin sa lesson 16, “Ang Kirtland Temple at ang mga Susi ng Priesthood.”

icon, pagnilayan

Magnilay-nilay upang Makapaghanda para sa Klase

Paano mapapalakas ang patotoo mo tungkol sa priesthood dahil sa nalaman mo kung paano ito ipinanumbalik sa lupa?

Bahagi 2

Ano ang kaugnayan ng awtoridad ng priesthood at mga susi ng priesthood?

Itinuro ni Pangulong Joseph F. Smith:

Ang Pagkasaserdote sa pangkalahatan ay ang [awtoridad] na ibinigay sa tao upang kumilos sa pangalan ng Diyos. Ang bawat [lalaking] inordenan sa anumang antas sa Pagkasaserdote ay may [awtoridad] na [ibinigay] sa kanya.

Ngunit kinakailangan na ang bawat kilos na ginampanan sa ilalim ng [awtoridad] na ito ay dapat na gawin sa angkop na panahon at lugar, sa angkop na paraan, at alinsunod sa angkop na orden. Ang kapangyarihang namamahala sa mga gawaing ito ay [nangangailangan ng] mga susi ng Pagkasaserdote. (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph F. Smith [1999], 169–70)

Itinuro din ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

“Ang mga susi ng priesthood ay ang awtoridad na ibinigay ng Diyos sa mga [mayhawak] ng priesthood upang gabayan, pangasiwaan, at pamahalaan ang paggamit ng Kanyang priesthood sa mundo” [Handbook 2: Administering the Church (2010), 2.1.1]. Bawat gawain o ordenansang isinasagawa sa Simbahan ay ginagawa sa ilalim ng direkta o hindi direktang awtoridad na ibinigay ng mayhawak ng mga susi para sa gawaing iyon. Gaya ng ipinaliwanag ni Elder M. Russell Ballard, “Yaong may mga susi ng priesthood … ay literal na ginagawang posible para sa lahat ng matatapat na naglilingkod sa ilalim ng kanilang pamamahala na gamitin ang awtoridad ng priesthood at magkaroon ng access sa kapangyarihan ng priesthood.” …

Sa huli, ang lahat ng susi ng priesthood ay hawak ng Panginoong Jesucristo, na Siyang may-ari ng priesthood. Siya ang nagpapasiya kung anong mga susi ang itatalaga sa mga tao sa mundo at kung paano gagamitin ang mga susing iyon. (Dallin H. Oaks, “Ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 49–50)

Bahagi 3

Paano nakatutulong ang mga ordenansa ng priesthood para magamit natin ang nagbabayad-salang kapangyarihan ng Tagapagligtas?

Sa Simbahan, ang ordenansa ay isang sagrado at pormal na gawaing isinasagawa sa pamamagitan ng awtoridad ng priesthood. Ang ilang ordenansa ay mahalaga sa ating kadakilaan. Ang mga ordenansang ito ay tinatawag na nakapagliligtas na mga ordenansa. Kabilang dito ang binyag, kumpirmasyon, ordenasyon sa Melchizedek Priesthood (para sa kalalakihan), endowment sa templo, at pagbubuklod ng kasal. Sa bawat ordenansang ito, gumagawa tayo ng mga sagradong tipan sa Panginoon. (“Ordinances,” Gospel Topics, topics.ChurchofJesusChrist.org)

Ipinaliwanag ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kapangyarihang nagagamit natin sa pamamagitan ng mga ordenansa ng priesthood:

Upang maisakatuparan ang mga layunin ng Ama sa Langit, ang pagpapala ng nagbabayad-salang kapangyarihan ni Cristo ay kailangang matanggap ng mga anak ng Diyos [tingnan sa 1 Nephi 11:31; 2 Nephi 2:8]. Ang priesthood ang naghahatid ng ganitong mga pagkakataon. … Mahalaga ang priesthood dahil ang mga kinakailangang ordenansa at tipan sa daigdig ay naisasagawa lamang sa pamamagitan ng awtoridad nito. Kung nabigo ang priesthood na maihatid ang pagkakataong makinabang mula sa nagbabayad-salang kapangyarihan ng Tagapagligtas, ano ang magiging layunin nito? …

… Sa pamamagitan ng priesthood, nakikita ang kapangyarihan ng kabanalan sa mga buhay ng lahat nila na gumagawa at tumutupad sa mga tipan ng ebanghelyo at tumatanggap sa kaakibat na mga ordenansa [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:19–21]. Ito ang paraan para makalapit kay Cristo ang bawat isa sa atin, madalisay, at makipagkasundo sa Diyos. Ang nagbabayad-salang kapangyarihan ni Cristo ay magagamit sa pamamagitan ng priesthood. (Dale G. Renlund, “Ang Priesthood at ang Nagbabayad-salang Kapangyarihan ng Tagapagligtas,” Ensign o Liahona, Nob. 2017, 65)

Nagbigay rin si Pangulong Oaks ng sumusunod na paliwanag kung paanong ang Aaronic Priesthood ay isang paraan upang magamit ang nakalilinis na kapangyarihan ng Panginoon:

Ang binyag ay para sa kapatawaran ng mga kasalanan, at ang sakramento ay pagpapanibago ng mga tipan at mga pagpapala ng binyag. Dapat isagawa ang dalawang ito pagkatapos magsisi. …

Wala sa [atin] ang namuhay nang walang kasalanan mula nang [tayo] ay binyagan. Kung walang pagkakataon na malinis pa tayo matapos ang ating binyag, bawat isa sa atin ay espirituwal na maliligaw. …

Tayo ay inutusang magsisi sa ating mga kasalanan at lumapit sa Panginoon nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu, at tumanggap ng sakramento bilang pagsunod sa mga tipan nito. Kapag pinaninibago natin ang ating mga tipan sa binyag sa ganitong paraan, pinaninibago ng Panginoon ang nakalilinis na epekto ng ating binyag. …

Binibigyang-diin natin dito ang kahalagahan ng Aaronic Priesthood. Lahat ng mahahalagang hakbang na nauukol sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ay isinasagawa sa pamamagitan ng nakapagliligtas na ordenansa ng binyag at sa nagpapanibagong ordenansa ng sakramento. (Dallin H. Oaks, “The Aaronic Priesthood and the Sacrament,” Ensign, Nob. 1998, 38)

priest na nagpapasa ng sakramento sa kongregasyon
icon, isulat

Isulat ang Iyong mga Naisip