“Brother Gabriel W. Reid,” Liahona, May 2024.
Brother Gabriel W. Reid
Pangalawang Tagapayo sa Sunday School General Presidency
Para kay Gabriel W. Reid, isa sa mga pinaka-kapaki-pakinabang na bahagi ng pagiging isang mission leader ay ang makita ang mga missionary na “magpakabusog sa mga salita ni Cristo,” magkaroon ng pagmamahal sa mga banal na kasulatan, at ang hangaring maging higit na katulad ng Tagapagligtas.
“Kung maiintindihan ninyo talaga kung paano gawing ‘masarap’ sa inyo ang inyong pag-aaral ng ebanghelyo, tulad ng sinasabi sa mga banal na kasulatan [tingnan sa Alma 32:28], doon magbabago ang inyong buhay,” sabi ni Brother Reid, na tinapos ang kanyang paglilingkod bilang pangulo ng Australia Sydney Mission noong Hulyo.
Si Brother Reid ay isinilang sa Pago Pago, American Samoa. Marunong siyang magsalita ng Samoan, Spanish, at English. Sa Samoan, sabi niya, ang salitang magpakabusog sa Aklat ni Mormon ay isinalin bilang “taumamafa fiafia” at sa Spanish ay “deleitar.” Ang dalawang salitang ito raw ay nagpapahiwatig ng pagtatamasa.
Bilang tagapayo sa bagong Sunday School General Presidency, “Nasasabik akong tulungan ang iba na makita kung gaano kasayang mas maintindihan ang mga banal na kasulatan,” wika niya.
Si Gabriel “Gabe” Walter Po’u Reid ay isinilang noong Mayo 28, 1977, kina Eugene at Tupu Reid at lumaki sa nayon ng Leone sa American Samoa. Ang kanyang pagmamahal sa Diyos at hangaring unahin Siya ay nagsimula sa murang edad at sumuporta sa kanya nang maglaro siya ng football para sa Brigham Young University mula 1999 hanggang 2002 at pagkatapos ay magtrabaho sa National Football League mula 2003 hanggang 2006.
Sa panahong iyon ng kanyang buhay, natuto siya ng mahalagang aral: “Kapag may sinabi sa iyo ang Panginoon, italaga ang sarili mo nang ‘lubusan.’”
Pinakasalan ni Brother Reid si Heather Lynn Sasse sa Bountiful Utah Temple noong Hunyo 24, 2000. Mayroon silang apat na anak. Nagtapos siya sa BYU noong 2002 na may bachelor’s degree sa international relations. Ngayo’y may-ari siya ng isang construction management company.
Bukod pa sa pamumuno sa Australia Sydney Mission, naglingkod na si Brother Reid bilang stake presidency counselor, high councilor, bishop, ward Young Men president, temple ordinance worker, at full-time missionary sa Chile Santiago South Mission mula 1996 hanggang 1998.