Liahona
Elder Sandino Roman
Mayo 2024


“Elder Sandino Roman,” Liahona, Mayo 2024.

Elder Sandino Roman

General Authority Seventy

Si Elder Sandino Roman ay nagsimulang mag-aral ng ebanghelyo ni Jesucristo noong bata pa siya. Tuwing Linggo ay dinadala sila ng kapatid niyang babae ng isang kaibigan ng kanyang ina para makipulong sa 15 iba pang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa isang maliit na meetinghouse sa Mexico. 

Ipinagdasal ng limang-taong-gulang na bata araw-araw na tanggapin ng kanyang pamilya ang ebanghelyo. Pagkaraan ng dalawang taon, nabinyagan ang kanyang ama’t ina. Isang taon pagkaraan niyon, bininyagan siya ng kanyang ama. “Dahil diyan, alam ko na dinidinig ng Panginoon ang mga dalangin ng mga bata,” sabi ni Elder Roman.

Ang pagtanggap sa ebanghelyo at paglilingkod sa Simbahan ay nagpabago sa kanyang pamilya. “Nakita ko ang huling resultang inihahatid ng ebanghelyo sa mga buhay,” sabi ni Elder Roman. “Alam ko na naghahatid ito ng kaligayahan at pag-asa.”

Si Sandino Roman ay isinilang noong Agosto 7, 1973, kina Lidia Corral at Prometeo Roman sa Iguala, Guerrero, Mexico. Habang naglalaro sa volleyball team ng Benemérito de las Américas high school na pag-aari ng Simbahan, nakilala ni Roman si Guadalupe Villanueva Rojas. Ibinuklod sila sa Mexico City Mexico Temple noong Disyembre 19, 1998. Mayroon silang apat na anak.

Si Elder Roman ay tumanggap ng bachelor of science degree sa computer systems mula sa ITESM (ang Monterrey Institute of Technology and Higher Education) noong 2000 at ng master of business administration mula sa Brigham Young University noong 2006. Nagtrabaho siya bilang marketing manager para sa Johnson & Johnson at para sa Simbahan bilang manager ng Mexico Area Support Services Office.

Nang tawagin siya, naglilingkod silang mag-asawa bilang mga lider ng Ecuador Quito North Mission. Nakapaglingkod na rin si Elder Roman bilang Area Seventy, stake presidency counselor, bishop, high councilor, at elders quorum president.

Sinabi ni Elder Roman na ang pangunahing mithiin niya sa buhay, saanman siya maglingkod, ay ang matamo ang tiwala ng Panginoon. “Nais kong malaman Niya na mapagkakatiwalaan Niya akong gawin ang gawaing ito,” wika niya.