“Elder Aroldo B. Cavalcante,” Liahona, Mayo 2024.
Elder Aroldo B. Cavalcante
General Authority Seventy
Sa paanyaya ng isang pinsan, dumalo ang 18-anyos na si Aroldo B. Cavalcante sa isang regional conference noong 1988 na nagtampok kay Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008), na noo’y naglilingkod bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan.
“May naramdaman akong napakatindi,” kuwento niya. “May nakita akong liwanag kay Pangulong Hinckley.”
Bagama’t nagsimba siya sa sumunod na tatlong taon, hindi siya nabinyagan. Isang araw ay kumatok sa kanyang pintuan ang mga missionary. Hawak ang kanilang area book, binasa nila ang naisulat ng mga nakaraang missionary tungkol sa kanya. Ang nakamangha sa kanya ay ang huling pangungusap: “Ayaw niyang maging tapat kay Jesucristo.”
Ikinuwento ni Elder Cavalcante, “Akala ko lubos na tapat ako kay Jesucristo, at napakabigat ng linyang iyon para sa akin.”
Nag-isip kung iyon din ang iniisip ng Tagapagligtas tungkol sa kanya, itinanong niya, “Ano ang magagawa ko para baguhin ito, Elders?’”
Sinimulan siyang turuan ng mga missionary, at ang 21-anyos na binata ay nabinyagan pagkaraan lamang ng 10 araw. Mula noon ay naging tapat na si Elder Cavalcante sa ebanghelyo ng Tagapagligtas.
“Ang gawaing ito ay hindi atin. Ito ay sa Tagapagligtas. At sinisikap kong gawin ang lahat ng makakaya ko para sa Kanya, hindi para sa akin,” sabi ni Elder Cavalcante.
Si Aroldo Barreto Cavalcante Filho ay isinilang noong Nobyembre 22, 1970, sa Fortaleza, Ceará, Brazil. Siya ay ibinuklod kay Christiana Ramalho Bezerra Leite sa Recife Brazil Temple noong Enero 21, 2004. Sila ay may apat na anak.
Si Elder Cavalcante ay tumanggap ng postgraduate degree sa administrative law mula sa Federal University of Ceará noong 1997. Nagtrabaho siya bilang abogado para sa Procuradoria Geral do Município mula 1997 hanggang 2005 at bilang managing partner ng Barreto Cavalcante Advogados mula pa noong 1999.
Bago siya tinawag bilang General Authority Seventy, naglingkod si Elder Cavalcante bilang mission president sa Brazil. Nakapaglingkod na rin siya bilang Area Seventy, stake president, bishop, at bishopric counselor.