Liahona
Elder Gregorio E. Casillas
Mayo 2024


“Elder Gregorio E. Casillas,” Liahona, Mayo 2024.

Elder Gregorio E. Casillas

General Authority Seventy

Si Gregorio Enrique Casillas ay isinilang sa Tijuana, Baja California, Mexico, noong Agosto 26, 1975. Nanirahan siya roon hanggang sa maglingkod siya bilang isang full-time missionary sa Mexico Tampico Mission.

Sila ni Alma Angelina Obeso Gonzalez ay ibinuklod sa San Diego California Temple noong Hunyo 1999. Sila ay may tatlong anak.

Bago ikinasal ang dalawa, 100 milya (161 kilometro) ang layo ng kanilang tirahan sa isa’t isa nang mag-aral siya sa Tijuana, at si Sister Gonzales naman sa Mexicali. Sa mga buwan bago sila ikinasal, nagdasal at nag-ayuno sila para malaman kung saan sila titira at magsisimula ng kanilang pamilya. Naaalala ni Elder Casillas ang nadama niya mula sa Espiritu Santo.

“Naaalala ko nang mag-ayuno kami, na narinig kong sinabi ng Panginoon, ‘Kung ang bundok na nakahadlang sa inyo ay ang La Rumorosa [isang malaking bundok na nasa pagitan ng dalawang lungsod], aalisin ko iyon,’” sabi ni Elder Casillas.

Sabi niya na binigyang-daan ng Panginoon ang dalawa na mapunta sa Mexicali nang di-inaasahang tanggapin siya ng unibersidad doon bilang isang transfer student.

Sa Mexicali, “nakilala namin ang mga taong kinailangan naming makilala. At naglingkod kami sa mga calling kung saan kami kinailangang maglingkod,” wika niya.

Ang karanasang ito ay nagtakda ng isang huwaran para sa pagsasama nila sa buhay. “Kapag inuna natin ang Diyos, lahat ng iba pang bagay ay nalalagay sa tamang lugar,” sabi ni Elder Casillas. “Kailangan ng kaunting pananampalataya at kaunting pagkilos, at pagkatapos ay iniuunat ng Panginoon ang Kanyang kamay para pagpalain tayo.”

Nagtamo si Elder Casillas ng bachelor’s degree sa civil engineering mula sa Universidad Autónoma de Baja California. Nagtamo rin siya ng master of business administration sa Xochicalco University. Nagtrabaho siya sa construction project management at ang pinakahuli ay bilang area temple facilities manager para sa Mexico Area ng Simbahan.

Si Elder Casillas ay nakapaglingkod na bilang Area Seventy, mission president sa Mexico Mexico City South Mission, stake president, bishop, high councilor, elders quorum president, at ward Young Men president.