“Elder Christopher H. Kim,” Liahona, Mayo 2024.
Elder Christopher H. Kim
General Authority Seventy
Noong si Elder Christopher H. Kim ay 14 anyos at nagkaroon ng pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo sa mga kaibigan, natanto niya na kailangan niyang malaman ang katotohanan ng Aklat ni Mormon upang makapagsalita siya nang may pananalig.
“Nang ipagdasal ko ang Aklat ni Mormon, nakadama ako ng kapanatagan ng kaluluwa,” paggunita niya. “At bigla, nawala ang anumang tanong o duda tungkol sa Aklat ni Mormon.” Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, dagdag pa niya, “Talagang nadama ko ang Espiritu, nabatid ko ang katotohanan tungkol sa Aklat ni Mormon, at nabatid ko na si Joseph Smith ay isang propeta ng Diyos.”
Si Christopher Hyunsu Kim ay isinilang noong Nobyembre 18, 1965, sa Daegu, South Korea, ang panganay sa apat na anak nina Chinho Kim at Kuncha Kim. Ang kanyang mga magulang ay sumapi sa Simbahan noong sanggol pa siya. Si Elder Kim ay nanirahan sa Daegu hanggang sa makatapos siya ng high school at pagkatapos ay nandayuhan ang kanyang pamilya sa Estados Unidos, at nanirahan sa Southern California.
Habang naglilingkod siya sa Washington Seattle Mission, naglilingkod naman si Sister Seongmi (Sue) Hong sa California Los Angeles Mission. Habang naroon, nakilala ni Sister Hong ang ina ni Elder Kim. Kalaunan, nang makumpleto na nina Elder Kim at Sister Hong ang kanilang misyon, nagsimula silang magdeyt. Ikinasal sila noong Disyembre 7, 1991, sa Los Angeles California Temple. Mayroon silang isang anak na lalaki at tatlong anak na babae.
Si Elder Kim ay nagtapos sa Brigham Young University na may bachelor’s degree sa sociology noong 1995 at master of business administration noong 1997. Pagkatapos ng kanyang pag aaral, nagtrabaho siya sa Estados Unidos, Thailand, at South Korea. Mula noong 2005, nagtrabaho siya sa Unicity International, isang nutritional products at cosmetics supplier na nakabase sa Utah, at nitong huli ay bilang pangulo ng pandaigdigang merkado, na nakabase sa Seoul, South Korea.
Si Elder Kim ay naglingkod mula pa noong 2019 bilang Area Seventy. Naglingkod din siya bilang stake president, stake presidency counselor, stake mission president, at high councilor.