Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Pambungad


Pambungad

Sinabi ni Jesus, “Mag-aral kayo sa akin” (Mateo 11:29). Ang pag-aaral tungkol sa Tagapagligtas at sa kanyang mga katotohanan ay mahalagang bahagi sa pamumuhay ng kanyang ebanghelyo. Ang inyong mga pagsisikap na saliksikin ang mga banal na kasulatan sa araw-araw ay makatutulong sa inyo upang higit na mapalapit sa kanya, dahil “ang mga ito’y nangasulat, upang kayo’y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan” (Juan 20:31).

Ang gabay na ito sa pag-aaral ay nahahati sa mga bahagi na tumutugma sa mga aralin sa kursong Doktrina ng Ebanghelyo sa Bagong Tipan. Ibinigay ng bawat bahagi ang takdang babasahin sa buong linggo at mga tanong upang mapagbuti ang inyong pag-aaral. Maaari ninyong gamitin ang mga tanong upang mapagbuti ang sariling pagsasagawa ng mga banal na kasulatan, para makahikayat sa mga miyembro ng pamilya ng mga talakayang nakasentro sa ebanghelyo, at upang makapaghandang gumawa ng mga maiaambag sa mga talakayan sa klase.

Ang gabay na ito sa pag-aaral ay mahalagang mapagkukunan ng mga pamilya. Ang bawat bahagi ay naglalaman ng mungkahi para sa isang gawain o talakayan na magdaragdag ng interes at kaibahan sa pagkatuto tungkol sa ebanghelyo sa tahanan.

Kasama din sa bawat bahagi ang sangguniang mga banal na kasulatan—isang listahan ng mga talata ng banal na kasulatan na may kaugnayan sa itinakdang babasahin. Maaari ninyong naising isulat ang mga listahang ito sa likuran ng inyong mga banal na kasulatan. Maaari din ninyong naising bumuo ng sarili ninyong sangguniang mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng pagpili ng mga talata mula sa listahang nasa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

Upang mabigyang-diin ang sangguniang mga banal na kasulatan sa inyong mga aklat, markahan sa inyong mga banal na kasulatan ang unang talatang nasa listahan. Maliban sa talatang iyon ay isulat kung saan matatagpuan ang kasunod na talatang nasa listahan. Ilipat sa kasunod na talata, markahan ito, at isulat kung saan matatagpuan ang ikatlong talata. Magpatuloy hanggang sa mamarkahan na ninyo ang pinakahuling talata na nasa listahan, at kumpletuhin ang pagkakaugnay sa pamamagitan ng pagsusulat sa gilid ng talatang iyon kung saan matatagpuan ang unang talata. Maaari ninyong gamitin ang sangguniang mga banal na kasulatan na ito upang kaagad matagpuan ang mga talata ng banal na kasulatan sa ibinigay na alituntunin ng ebanghelyo.

Isang karagdagang bahagi sa hulihan ng gabay sa pag-aaral ang naglalaman ng mga pahayag ng mga propeta sa mga huling araw tungkol sa mga pagpapalang dulot ng pag-aaral ng banal na kasulatan.

Magkatuwang kayo ng guro sa Doktrina ng Ebanghelyo sa pananagutang tulungan ang klase na maging matagumpay. Sinabi ng Panginoon na ang mga guro ay kailangang “mangaral … sa [pamamagitan ng] Espiritu ng katotohanan” at ang mga tumatanggap ng “salita ng katotohanan” ay dapat “natanggap … niya ito sa pamamagitan ng Espiritu ng katotohanan” (Doktrina at mga Tipan 50:17, 19). Magpunta sa klase na handang magbahagi ng mga ideya, magtanong ng mga katanungan, magbahagi ng mga karanasan, magbigay ng patotoo, at makinig na mabuti sa guro at sa iba pang mga miyembro ng klase. Kapag napagaralan na ninyo ang takdang babasahin at pinagbulay-bulay ang mga tanong sa gabay sa pag-aaral na ito, kayo ay mas magiging handang maranasan ang katuparan ng mga salita ng Panginoon nang sabihin niyang, “Siya na nangangaral at siya na nakatatanggap, ay nauunawaan ang isa’t isa, at sila ay kapwa pinagtitibay at magkasamang magsasaya” (Doktrina at mga Tipan 50:22).