Aralin 35
“Kayo’y Makipagkasundo sa Dios”
II Mga Taga Corinto
-
Bakit nagawang iwasan nina Pablo at Timoteo ang kawalan ng pag-asa sa kabila ng sila ay nababagabag, nalilito, inuusig, at inilulugmok? (Tingnan sa II Mga Taga Corinto 1:3–5; 4:5–15.) Paano kayo natulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa panahon ng kahirapan?
-
Hinimok ni Pablo ang mga Banal na patawarin ang isa’t isa (II Mga Taga Corinto 2:5–8). Bakit mahalagang patawarin natin ang iba? (Tingnan sa Mateo 6:14–15; II Mga Taga Corinto 2:7–8; Doktrina at mga Tipan 64:9–10.) Ano ang maaari nating magawa upang maging higit na mapagpatawad?
-
Ano ang ibig sabihin ng makadama ng “kalumbayang mula sa Diyos” para sa ating mga kasalanan? (Tingnan sa II Mga Taga Corinto 7:9–10.) Bakit mahalagang bahagi ng pagsisisi ang kalumbayang mula sa Diyos?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Basahin ang II Mga Taga Corinto 1:3–4, na binibigyan ng natatanging pansin ang mga pagsisikap ni Pablo na aliwin ang iba “sa pamamagitan ng pag-aliw na inialiw din sa atin ng Dios.” Makipag-ayos na dalawin ang isang ospital, mga gusaling nagbibigay ng makakain at masisilungan sa mahihirap, o bahay ampunan. Tumulong sa paghahanda ng pagkain, paglilibang sa mga nakatuloy doon, o mag-ambag ng pagkain, damit, o iba pang mga kailangang bagay.
Bilang bahagi ng talakayan ng pamilya, maaari ninyong naising awitin nang sama-sama ang “Dahil Biyaya sa Akin ay Kayrami” (Mga Himno).