Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 45: ‘Ang Matagumpay ay Magmamana ng mga Bagay na Ito’


Aralin 45

“Ang Matagumpay ay Magmamana ng mga Bagay na Ito”

Apocalipsis 1–3; 12

Upang magkaroon ng mas mabuting pang-unawa sa mga kabanatang ito, tingnan ang Pagsasalin ni Joseph Smith, Apocalipsis 1:1–4; Apocalipsis 2:26–27; 12:1–17, sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

  • Ano ang lumabas sa bibig ng Tagapagligtas sa pangitaing ito? (Tingnan sa Apocalipsis 1:16.) Ano ang isinagisag ng tabak na ito? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:2.) Sa paanong mga paraan tulad ng isang tabak ang salita ng Panginoon? (Tingnan sa Mga Hebreo 4:12; Helaman 3:29.)

  • Sa pangitain ni Juan, ano ang ipinangako ng Panginoon sa mga nagtagumpay sa mga pagsubok at tukso ng buhay na ito? (Tingnan ang sangguniang mga banal na kasulatan sa bahaging ito.)

  • Paano mapagtatagumpayan ng Simbahan at ng kaharian ng Diyos si Satanas sa bandang huli? (Tingnan sa Apocalipsis 12:11.) Paano makatutulong sa atin ang Pagbabayad-sala ni Cristo at ang inyong patotoo sa inyong sariling pakikipagtunggali laban kay Satanas?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Basahin ang Apocalipsis 6:12–14 at Apocalipsis 16:18–21, at ipaliwanag na ang mga talatang ito ay naglalarawan ng mga bagay na nakita ni Juan sa kanyang pangitain tungkol sa mga huling araw. Pagkatapos ay ipaliwanag na kahit na tila kagimbal-gimbal ang ilan sa mga propesiya sa aklat ng Apocalipsis, ang iba namang mga propesiya sa aklat ng Apocalipsis ay makapagbibigay sa atin ng pag-asa at matutulungan tayo na huwag matakot sa panahon ng kahirapan. Basahin ang ilan sa mga talatang mula sa sangguniang mga banal na kasulatan sa bahaging ito upang makita ang ilan sa mga mensaheng ito ng pag-asa.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Mga Pangako sa mga Magtatagumpay