Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 41: ‘Natapos Ko na ang Aking Takbo’


Aralin 41

“Natapos Ko na ang Aking Takbo”

I Kay Timoteo at II Kay Timoteo; Kay Tito

  • Bakit ang ilang tao ay “laging nagsisipag-aral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan”? (II Kay Timoteo 3:7). Paano tayo makatitiyak na ang ating pag-aaral ay umaakay sa atin tungo sa kaalaman ng katotohanan”? Paano pinagpala ng pag-aaral ng tamang mga doktrina ng ebanghelyo ang inyong buhay?

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “maging uliran ng mga nagsisisampalataya”? (I Kay Timoteo 4:12). Paano kayo magiging halimbawa ng bawat isa sa mga paraang binanggit sa I Kay Timoteo 4:12? Paano kayo naimpluwensiyahan ng isang taong naging “uliran ng mga nagsisisampalataya”?

  • Sa anong paraan nagiging “ugat ng lahat ng kasamaan” ang pag-ibig sa salapi? (Tingnan sa I kay Timoteo 6: 7–10.) Paano tayo makatitiyak na hindi natin masyadong pinagtutuunan ng pansin ang salapi at ang iba pang materyal na kayamanan? (Tingnan sa I Kay Timoteo 6:17–19; Jacob 2:18–19.)

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Ipakita ang ilang mga larawan, kagaya ng mga larawan mula sa Pakete ng Larawan ng Sining ng Ebanghelyo o sa mga magasin ng Simbahan, na nagpapakita ng mga pangkaraniwang pangyayari sa mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay umawit ng ilan mga himno o awitin sa Primarya. Pagkatapos tingnan ang bawat larawan at awitin ang bawat himno o awit, hilingan ang mga miyembro ng pamilya na magmungkahi ng mga doktrina, o mga turo, na maaaring ilahad na gamit ang larawan, himno, o awit.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Ang Kapangyarihan ng Tamang Doktrina