Aralin 14
“Sino ang Aking Kapuwa Tao?”
-
Ano ang payo ni Jesus sa mga naghahangad na makamtan ang tunay na kadakilaan sa kanyang kaharian? (Tingnan sa Mateo 18:2–4; Marcos 9:35.) Paano tayo magiging higit na tulad ng mga bata at higit na magpapasailalim sa kalooban ng ating Ama sa Langit?
-
Sa pagtuturo niya ng talinghaga ng hindi marunong magpatawad na alipin ay binigyang-diin ni Jesus ang kahalagahan ng pagpapatawad sa iba (Mateo 18:23–35). Paano tayo katulad ng alipin ng hari sa ating pagkakautang sa Panginoon? Ano ang matututuhan ninyo mula sa halimbawa ng hari sa pagpapatawad sa iba? Ano ang ilan sa mga panganib ng hindi pagpapatawad sa iba? (Tingnan sa Mateo 18:34–35.)
-
Ano ang matututuhan ninyo mula sa talinghaga ng mabuting Samaritano? (Tingnan sa Lucas 10:25–37.) Paano kayo nabiyayaan ng “mabubuting Samaritano”? Paano kayo magiging “mabubuting Samaritano”? (Tingnan sa Mosias 4:26.)
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Basahin ang talinghaga ng mabuting Samaritano (Lucas 10:25–37). Bigyan ng partikular na atensiyon ang paanyaya ng Tagapagligtas na “humayo ka, at gayon din ang gawin mo” (Lucas 10:37). Pagkatapos ay gumawa ng listahan ng inyong mga kaibigan, kamag-anak, at iba pang mga kakilala, na hinihiling ang bawat miyembro ng pamilya na magbigay ng kahit man lamang isang pangalan sa listahan. Magplanong maglingkod sa isa o dalawang tao na nasa listahan sa darating na linggo.
Bilang bahagi ng talakayang ito ng pamilya, maaari ninyong naising awitin nang sama-sama ang “Ako Ba ay may Kabutihang Nagawa?” (Mga Himno).