Aralin 34
“Iniingatan Ninyong Matibay ang mga Turo, na Gaya ng Ibinigay Ko”
-
Ano ang ibig sabihin ng “ang babae ay di maaaring walang lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae sa Panginoon”? (I Mga Taga Corinto 11:11). Bakit napakahalaga ng ugnayan ng mag-asawa sa kaharian ng Diyos? Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa kung paano dapat pakitunguhan ng mag-asawa ang bawat isa?
-
Sang-ayon kay Pablo, ano ang mga layunin ng sakramento? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 11:23–26; tingnan din sa Lucas 22:19–20.) Bakit mahalagang bahagi ng sakramento ang pagsusuri ng ating pagiging karapat-dapat?
-
Pinapayuhan tayo ng mga banal na kasulatan na hangarin ang mga espirituwal na kaloob (I Mga Taga Corinto 12:31; Doktrina at mga Tipan 46:8). Ano ang dapat na maging dahilan natin sa paghahangad ng mga espirituwal na kaloob? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 14:12; Doktrina at mga Tipan 46:9.)
-
Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa mga kaharian ng kaluwalhatian? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 15:35–44; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 88:27–32.) Paano naiimpluwensiyahan ang uri ng inyong pamumuhay ng inyong kaalaman tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli at sa mga kaharian ng kaluwalhatian?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Basahin ang ilan sa mga talata sa sangguniang mga banal na kasulatan sa bahaging ito. Pagkatapos ay talakayin ang mga tanong sa ikatlong saknong sa bahaging ito. Hayaang magbigay ng kanilang puna ang mga miyembro ng pamilya tungkol sa mga espirituwal na kaloob na nakikita nila sa bawat isa na nakatutulong sa pagpapalakas sa pamilya sa kabuuan. Tulungan ang mga miyembro ng pamilya na malaman na sila ay mahalagang bahagi ng pamilya.