Aralin 43
“Isang Lahing Hirang”
I Ni Pedro at II Ni Pedro; Judas
-
Ano ang maaari nating gawin upang masundan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagtugon sa mga pagsubok at pag-uusig? (Tingnan sa I Ni Pedro 2:19–23.) Anong mga halimbawa ang nakita ninyo sa mga taong tulad ni Cristo sa pagtitiis ng mga pagsubok? Paano tayo pinagpapala sa pagsunod natin sa halimbawa ng Tagapagligtas sa pagtugon sa mga pagsubok?
-
Aling mga katangian ang inilarawan ni Pedro na bahagi ng kabanalang mula sa Diyos? (Tingnan sa II Ni Pedro 1:4–7.) Bakit mahalagang taglayin natin ang mga katangiang ito? (Tingnan sa II Ni Pedro 1:8.) Paano ninyo nakita ang mga katangiang ito sa ibang tao?
-
Sina Pedro at Judas ay nagbabala na magkakaroon ng mga bulaang guro sa kalipunan ng mga miyembro ng Simbahan. Ayon sa kanila ano ang ilan sa mga katangian ng huwad na mga guro? (Tingnan sa II Ni Pedro 2:1–3, 10, 12–19; Judas 1:4, 8, 10–13, 16, 18–19.) Anong payo ang ibinigay nina Pedro at Judas na makatutulong sa atin upang maiwasan ang mga huwad na turo at manatiling matapat habang naghahanda tayo para sa Ikalawang Pagparito? (Tingnan sa II Ni Pedro 3:11–14, 17–18; Judas 1:3, 20–21; tingnan din sa Moroni 7:12–17; Doktrina at mga Tipan 45:57; 46:7–8.)
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Pumili ng isang resipe na maaaring ihanda ng lahat at mapagsasalusaluhan. Habang sinusunod ng mga miyembro ng pamilya ang resipe, talakayin kung bakit mahalagang naroon ang lahat ng sangkap na nasa resipe. Kapag natapos na kayo, basahin ang II Ni Pedro 1:4–8. Talakayin kung bakit ang bawat katangian ng kabanalang mula sa Diyos ay mahalaga para maging katulad tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.