Aralin 18
“Siya’y Nawala, at Nasumpungan”
-
Ano ang matututuhan ninyo mula sa mga inasal na ito ng pastor at ng babae? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 18:10–13.) Sa anong mga paraan maaaring “mawala” ang isang tao? Ano ang ating pananagutan sa mga nawawala? (Tingnan sa Lucas 15:4–5, 8; Alma 31:34–35.)
-
Sa talinghaga ng alibughang anak, ano ang ginawa ng ama nang makita niyang nagbalik ang kanyang anak? (Tingnan sa Lucas 15:20.) Paano tumugon ang ama sa pagtatapat ng kanyang anak? (Tingnan sa Lucas 15:21–24.) Paano naging katulad ng pagtugon ng Panginoon ang pagtugon ng ama kapag nagsisisi tayo? (Tingnan sa Lucas 15:7; Mosias 26:30; Doktrina at mga Tipan 58:42.)
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Pag-aralan muli ang kuwento tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa sampung ketongin (Lucas 17:11–19). Talakayin ang ilang mga dahilan kung bakit tayo, tulad ng siyam na ketongin, ay hindi palaging nagpapahayag ng ating pasasalamat sa Panginoon. Pag-usapan ang mga bagay na maaari nating gawin upang mas maipahayag ang ating pasasalamat sa Panginoon sa bawat araw.
Bilang bahagi ng talakayang ito ng pamilya, maaari ninyong naising awitin nang sama-sama ang “Ako’y Namangha” (Mga Himno).