Aralin 13
“Ibibigay Ko sa Iyo ang mga Susi ng Kaharian”
-
Sinabi ni Jesus kay Pedro, “Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia” (Mateo 16:18). Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang batong tinutukoy ni Jesus ay ang paghahayag (Teachings of the Prophet Joseph Smith, pinili ni Joseph Fielding Smith [1976], 274). Sa anong paraan naging saligan ng Simbahan ng Panginoon ang paghahayag?
-
Itinuro ni Elder David B. Haight na ang Pagbabagong-anyo ni Jesus “ay nilayon para sa ating espirituwal na kaliwanagan at gayundin naman sa mga nakasaksi mismo” (sa Conference Report, Abr. 1977, 8; o Ensign, Mayo 1977, 7). Ano ang matututuhan ninyo mula sa Pagbabagong-anyo na makatutulong sa inyo kapag nangangailangan kayo ng espirituwal na kalakasan? (Tingnan sa Mateo 17:1–5.)
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Basahin ang Mateo 16:13–17. Ipaliwanag na si Pedro ay nagkaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng paghahayag at na maaari tayong magkaroon ng patotoo tungkol sa Tagapagligtas sa gayunding paraan. Sabihin sa mga miyembro ng pamilya kung paano ninyo natanggap ang isang patotoo tungkol kay Jesucristo at kung ano ang patuloy na ginagawa ninyo upang palakasin ang inyong patotoo. Kung naaangkop, hilingan ang mga miyembro ng pamilya na magbigay ng kanilang mga patotoo. Himukin sila na palakasin ang kanilang mga patotoo sa pamamagitan ng panalangin sa araw-araw, pag-aaral ng banal na kasulatan, at pagsunod sa mga kautusan ng Diyos.