Aralin 29
“Dumadami ang Bilang ng mga Alagad”
-
Sa paglago ng Simbahan, ang mga grupo sa loob nito ay nagkakaroon din ng mga pagtatalu-talo sa isa’t isa (Ang Mga Gawa 6:1). Bilang mga miyembro ng Simbahan, paano natin mapaglalabanan ang mga alitan at pagkakahati sa ating kalipunan? Bakit mahalagang gawin natin ang gayon?
-
Paano nakatagpo ni Felipe ang lalaking taga Etiopia? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 8:25–29.) Anong mga biyaya ang dumating kay Felipe at sa taga Etiopia dahil sa pagsunod ni Felipe sa Espiritu? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 8:30–38.) Anong mga biyaya ang dumating na sa inyo (o sa isang taong kilala ninyo) dahil sa sinunod ninyo ang Espiritu?
-
Si Saulo ay nagbago mula sa pagiging tagausig ng mga Banal tungo sa pagiging dakilang tagapaglingkod ng Panginoon nang marinig niya ang tinig ng Panginoon (Ang Mga Gawa 9:1–9, 17). Paano natin maririnig ang tinig ng Panginoon? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 1:38; 6:23; 8:2; 18:34–36.) Paano makatutulong sa ating pagbabalik-loob ang pagdinig sa kanyang tinig?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Matapos basahin at markahan ng inyong pamilya ang sangguniang mga banal na kasulatan ay itanong ang mga sumusunod:
-
Bakit kaya mahalagang maging miyembro ng isang purok (o sangay)? Sinu-sino ang ilan sa mga pinuno at guro sa inyong purok? Ano ang kanilang ginagawa upang tulungan at itaguyod tayo? Ano ang magagawa natin upang tulungan at itaguyod sila?