Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 31: ‘Kaya nga, ang mga Iglesia’y Pinalakas sa Pananampalataya’


Aralin 31

“Kaya nga, ang mga Iglesia’y Pinalakas sa Pananampalataya”

Ang Mga Gawa 15:36–18:22; I Mga Taga Tesalonica at II Mga Taga Tesalonica

  • Paano tinanggap ng mga tao sa sinagoga ng Berea ang mga turo ni Pablo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 17:10–12.) Paano ninyo “[matatanggap] ang salita ng buong pagsisikap” sa pag-aaral ng ebanghelyo?

  • Ano ang itinuro ni Pablo sa mga Ateniense tungkol sa Diyos? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 17:22–31.) Bakit mahalagang malaman na “tayo nama’y sa kanyang [sa Diyos] lahi”? (Ang Mga Gawa 17:28). Paano nakatutulong ang pagkaunawa tungkol sa tunay na katauhan ng Diyos at sa kanyang papel bilang ating Ama upang mahalin at sambahin natin siya?

  • Ano ang itinuturo ni Pablo sa I Mga Taga Tesalonica 1:5 at I Mga Taga Tesalonica 2:2–12 tungkol sa kung paano ituturo ang ebanghelyo sa ibang tao? Paano nakatulong sa inyong pagtuturo ng ebanghelyo ang pagsunod sa mga alituntuning ito?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Magplanong anyayahang kumain sa inyong tahanan ang mga misyonero sa inyong lugar. Hilingan silang magbahagi ng kanilang damdamin tungkol sa kahalagahan ng gawaing misyonero at sabihin kung paano sila naghanda para sa pagmimisyon.

Bilang bahagi ng talakayang ito, maaari ninyong naising awitin nang sama-sama ang “Tinawag Upang sa Diyos Maglingkod” (Mga Himno o Aklat ng mga Awit Pambata) o “Sana Ako’y Makapagmisyon” (Aklat ng mga Awit Pambata).

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Mga Katangian ng Matagumpay na mga Misyonero