Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 36: ‘Mga Iniibig ng Dios, Tinawag na mga Banal’


Aralin 36

“Mga Iniibig ng Dios, Tinawag na mga Banal”

Mga Taga Roma

  • Ang ibig sabihin ng ariing-ganap ay makipagkasundo sa Diyos, mapatawad sa kaparusahan ng kasalanan, at maipahayag na matwid at walang-sala. Bakit kailangan tayong ariing-ganap? (Tingnan sa Mga Taga Roma 3:10–12, 23; tingnan din sa Alma 7:21.) Ano ang itinuro ni Pablo tungkol sa kung paano tayo inaaring-ganap? (Tingnan sa Mga Taga Roma 3:24, 28; 5:1–2; tingnan din sa 2 Nephi 2:6.)

  • Paano kumakatawan ang pagbibinyag sa kamatayan, paglilibing, at pagkabuhay na mag-uli (bagong pagsilang)? (Tingnan sa Mga Taga Roma 6:3–4; Doktrina at mga Tipan 76:50–52.) Paano naging bagong pagsilang para sa inyo ang pagbibinyag?

  • Paano ninyo nakitang “ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios”? (Mga Taga Roma 8:28).

  • Anong mga katangian ng tunay na mga Banal ang nakatala sa Mga Taga Roma 12:9–21? Alin sa mga katangiang ito ang pinakamahirap ninyong taglayin? Ano ang maaari ninyong gawin ngayong linggong ito upang higit pang mapaunlad ang katangiang ito?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Basahin ang mga talata sa sangguniang mga banal na kasulatan sa bahaging ito, at ipatukoy sa mga miyembro ng pamilya ang mga miyembro ng purok o sangay na nagtataglay ng mga katangiang nakalista sa mga talatang iyon. Hamunin ang bawat miyembro ng pamilya na gawin ang isang bagay sa darating na linggo upang masunod ang mga halimbawa ng mga taong iyon.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Mga Katangian ng mga Banal