Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 42: ‘Dalisay na Relihion’


Aralin 42

“Dalisay na Relihion”

Santiago

  • Anong payo ang ibinigay ni Santiago sa mga “nagkukulang ng karunungan”? (Tingnan sa Santiago 1:5–6.) Paano naimpluwensiyahan ng payong ito ang Propetang Joseph Smith? (Tingnan sa Joseph Smith— Kasaysayan 1:11–13.) Ano ang mga naging karanasan ninyo sa pagtanggap ng mga kasagutan sa panalangin?

  • Itinuro ni Santiago na dapat tayong “magmaliksi sa pakikinig, magmakupad sa pananalita” (Santiago 1:19). Anong mga karanasan sa inyong buhay ang nakapagpatibay sa karunungan ng kanyang payo?

  • Ano ang binigyang-diin ni Santiago na dapat nating gawin upang ipamuhay ang dalisay na relihiyon? (Tingnan sa Santiago 1:27.) Bakit sa palagay ninyo bahagi ng dalisay na relihiyon ang pagdalaw at pagtulong sa mga taong nangangailangan? Ano ang maaari ninyong gawin upang manatiling “walang dungis ang sarili … sa sanglibutan”?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Sinabi ni Santiago na bahagi ng pagsasagawa ng “dalisay na relihion” ang panatilihin ang ating sarili na “walang dungis … sa sanglibutan” (Santiago 1:27). Talakayin kung paano nakaaapekto ang turong ito sa ating pang-araw-araw na mga pasiya. Sa inyong talakayan ay maaari ninyong naising sumangguni sa polyetong Para sa Lakas ng Kabataan (34285 893), na naglalaman ng payo mula sa Unang Panguluhan tungkol sa kung paano natin pananatilihing “walang dungis ang sarili … sa sanglibutan.”

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Pagtanggap ng mga Sagot sa Panalangin