Aralin 8
Ang Pangangaral sa Bundok: “Isang Daang Kagalinggalingan”
-
Paano magiging “ilaw ng sanglibutan” ang mga Banal sa mga Huling Araw? (Mateo 5:14; tingnan din sa talata Mateo 5:16).
-
Paano naging mas mataas na mga batas ang mga turo ng Tagapagligtas sa Mateo 5:22–24, 28, 34–37, 39–40 at Mateo 5:44–48 kaysa sa mga batas na binanggit sa Mateo 5:21, 27, 33, 38, at Mateo 5:43?
-
Paano tayo tinutulungan ng Pangangaral sa Bundok na “lumapit kay Cristo, at maging ganap sa kanya”? (Moroni 10:32).
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Isulat sa isang pisara, sa makapal na papel na gamit sa paggawa ng mga poster, o sa isang papel ang sumusunod na pangungusap (o iba pang pangungusap na maaaring mas angkop sa mga miyembro ng pamilya): Ang mga turo sa Pangangaral sa Bundok ay makatutulong sa akin sa paaralan. Hilingan ang mga miyembro ng pamilya na basahin ang ilang mga talata sa Mateo 5 at talakayin kung paano nauugnay ang mga talatang iyon sa pangungusap na inyong isinulat.