Aralin 5
“Ipanganak na Muli”
-
Sinabi ni Jesus kay Nicodemo na “maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:3). Ano ang ibig sabihin ng maipanganak na muli? (Tingnan ang sangguniang mga banal na kasulatan sa bahaging ito.)
-
Basahin at pagnilay-nilayin ang Alma 5:14–31 na tila ba nakikipagusap sa inyo si Alma. Ano ang kailangan ninyo mismong gawin upang “kayo … ay espirituwal na [isilang] sa Diyos”? (Alma 5:14).
-
Sinabi ni Jesus sa babaing taga Samaria na siya ay mabibigyan niya ng “tubig na buhay” (Juan 4:10). Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “tubig na buhay”? (Tingnan sa 1 Nephi 11:25; Doktrina at mga Tipan 63:23.) Paano natin makakamtan ang tubig na buhay? Paano kayo napagpala ng tubig na buhay na ito?
Mungkahi para sa Talakayan sa Pamilya
Bigyan ng baso ang bawat miyembro ng pamilya. Buhusan ng tubig ang bawat baso, at anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na inumin ang tubig. Tanungin ang mga miyembro ng pamilya kung kakailanganin pa nilang uminom ng tubig. Pagkatapos ay basahin ang Juan 4:1–15, at talakayin ang mga tanong na nasa itaas. Magpatotoo na kung lalapit tayo kay Cristo at ipamumuhay ang kanyang ebanghelyo, ay tatanggap tayo ng “buhay walang hanggan” (Juan 4:14).