Aralin 38
“Nagpatotoo Ka sa Akin”
-
Si Pablo ay nagpakita ng katapangan sa pamamagitan ng pagkukuwento sa nagagalit na mga tao sa Jerusalem tungkol sa kanyang pagbabalik-loob at sa pagkakita niya kay Jesucristo (Ang Mga Gawa 21:27–22:21). Kailan kayo nakapagbahagi ng inyong patotoo sa isang kalagayan na nangailangan ng tapang? Paano kayo nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ito? Paano makatutulong sa inyo ang pagkaalam sa mga ginawa ni Pablo upang magkaroon kayo ng higit na lakas ng loob na ibahagi ang inyong mga patotoo sa ibang tao?
-
Ano ang nangyari nang tanggihan ng pinuno ng barko ang babala ni Pablo na lubhang mapanganib ang maglayag mula sa Mabubuting Daongan? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 27:7–20.) Ano ang nag-udyok sa senturion upang ipagwalang-bahala ang payo ni Pablo? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 27:11–12.) Bakit kung minsan ay ipinagwawalang-bahala ng ilan sa atin ang payo ng mga pinuno ng Simbahan? Paano ninyo nalaman ang kahalagahan ng pagsunod sa payo ng mga pinuno ng Simbahan?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Hilingan ang mga miyembro ng pamilya na mag-isip ng isang tao na ang halimbawa ay nakapagbigay ng inspirasyon sa kanila o nagbigay sa kanila ng lakas ng loob. Hayaang sabihin nila kung sino ang kanilang naisip at kung bakit nila pinili ang mga taong iyon.