Aralin 1
“Upang Kayo’y Magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo”
Isaias 61:1–3; Pagsasalin ni Joseph Smith, Lucas 3:4–11; Juan 1:1–14; 20:31
-
Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jesucristo mula sa Juan 1:1–3, 14? (Pansinin na “ang Verbo” sa Juan 1:1, 14 ay tumutukoy sa Tagapagligtas.) Gamitin ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Juan 1:1–14 kung may makukuha nito.)
-
Sinabi ni Apostol Juan na “nasa kanya [Jesus] ang buhay” (Juan 1:4). Pinatotohanan din niya na si Jesus “ang tunay na Ilaw, samakatuwid baga’y ang ilaw na lumiliwanag sa bawat tao na pumaparito sa sanglibutan” (Juan 1:9). Paano kayo nabigyan ng buhay at liwanag ng Tagapagligtas?
-
Anong mga pangyayari o turo sa Bagong Tipan ang partikular na nakapagbigay inspirasyon o nakatulong sa inyo? Paano kaya matutulungang mapatatag ng pag-aaral ng Bagong Tipan sa Panlinggong Paaralan sa taong ito ang inyong patotoo na si Jesus ay ang Cristo?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Basahin ang Juan 1:1–3. Ipaliwanag na nilikha ni Jesus (“ang Verbo” sa Juan 1:1–3) ang mundo sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit. Sama-sama kayong maglakad na mag-anak at pagmasdang mabuti ang maraming magagandang bagay na kanyang nilikha.