Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 26: ‘Ako’y Ipinanganak Dahil Dito’


Aralin 26

“Ako’y Ipinanganak Dahil Dito”

Mateo 26:47–27:66; Marcos 14:43–15:39; Lucas 22:47–23:56; Juan 18–19

  • Ano ang ginawa ni Pedro nang sabihin ng mga taong nasa labas ng palasyo ni Caifas na kilala niya si Jesus? (Tingnan sa Mateo 26:69–75; tingnan din sa talata Mateo 26:34.) Tulad ni Pedro, paano ikinakaila kung minsan ng ilan sa atin ang ating pananampalataya? Ano ang matututuhan natin mula sa buhay ni Pedro matapos niyang ikaila ang Panginoon?

  • Ano ang nadarama ninyo kapag pinagbubulay-bulay ninyo ang paghihirap na ginawa ng Tagapagligtas para sa inyo? Paano ninyo maipapakita ang inyong pasasalamat para sa Pagbabayad-sala? (Habang pinagbubulay-bulay ninyo ang mga tanong na ito, maaaring naisin ninyong itala ang inyong mga naiisip sa inyong talaarawan.)

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Pag-usapan ang sumusunod na mga tao na binanggit sa banal na kasulatan sa pangyayari noong kamatayan at libing ni Jesus. Tanungin ang mga miyembro ng pamilya kung ano ang naaalala nila tungkol sa bawat tao o grupo ng mga tao.

Jesucristo

Dalawang magnanakaw

Pilato

Mga manlilibak

Simon na taga Cirene

Juan na Pinakamamahal

Mga kawal

Ang senturion

Jose na taga Arimatea

Maria, na ina ni Jesus

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: “Walang may Lalong Dakilang Pag-ibig”