Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 17: ‘Ano ang Gagawin Ko Upang Magmana ng Buhay na Walang Hanggan?’


Aralin 17

“Ano ang Gagawin Ko Upang Magmana ng Buhay na Walang Hanggan?”

Marcos 10:17–30; 12:41–44; Lucas 12:13–21; 14; 16

  • Anong mga biyaya ang mas mahalaga kaysa materyal na pag-aari? (Tingnan sa Lucas 12:31–34; Doktrina at mga Tipan 6:7 para sa ilang halimbawa.)

  • Bakit itinutuon ng maraming tao ang kanilang mga puso sa makalupang kayamanan kahit na alam nilang pansamantala lamang ito? Paano natin malalaman kung masyado tayong abala sa mga materyal na ari-arian?

  • Ano ang hiniling sa inyo ng Panginoon na isakripisyo? Paano kayo pinagpala sa pagsasagawa ng mga sakripisyong ito?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Maglagay ng kumpletong kopya ng mga banal na kasulatan sa isang dulo ng silid at ng salapi sa kabilang dulo. Anyayahan ang isang miyembro ng pamilya na subukang lumakad nang tuwid sa guhit na patungo sa mga banal na kasulatan samantalang nakatingin sa salapi. Kung nahihirapan ang miyembro ng pamilya na marating ang mga banal na kasulatan, itanong kung bakit mahirap gawin ito. Kung mararating niya ang mga banal na kasulatan, itanong kung gaano katagal ang kanyang guguguling oras sa pagpunta doon nang hindi lumilihis mula sa tuwid na guhit. Basahin ang Marcos 10:17–24, at ipaliwanag na hindi tayo makapapasok sa kaharian ng Diyos, (na isinasagisag ng mga banal na kasulatan) kung itutuon natin ang ating pansin sa mga ari-arian ng daigdig (na isinasagisag ng salapi). Talakayin kung paano tataglayin at mapananatili ang wastong saloobin tungkol sa mga materyal na ari-arian.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Paghahanap sa Kaharian ng Diyos