Aralin 33
“Kayo’y Templo ng Dios”
-
Anong problema ang tinukoy ni Pablo sa I Mga Taga Corinto 1:10–13? Paano naaapektuhan ng pagkakahati-hati at pagtatalu-talo ang ating pagkakapatiran bilang mga disipulo ni Cristo? (Tingnan sa Mosias 18:21–22; 3 Nephi 11:29–30; Doktrina at mga Tipan 38:27.) Ano ang ipinayo ni Pablo na dapat gawin ng mga Banal upang higit na magkaisa? (Tingnan sa Mga Taga Corinto 1:10.)
-
Itinuro ni Pablo na “gagawing mangmang” ng karunungan ng Diyos ang karunungan ng daigdig (I Mga Taga Corinto 1:18–21). Paano naiiba ang karunungan ng Diyos sa karunungan ng daigdig? (Tingnan sa Isaias 55:8–9; Doktrina at mga Tipan 38:1–2.) Ano ang ilang halimbawa na ginagawang mangmang ng karunungan ng Diyos ang karunungan ng daigdig? Paano natin malalaman ang “mga bagay ng Diyos”? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 2:10–13.)
-
Sa ano inihambing ni Pablo ang ating mga katawan? (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 3:16–17; 6:19–20.) Ano ang maaari nating gawin upang maituring na mga templo ang ating mga katawan? Ano ang mga biyaya ng pagkakaroon ng malinis na pagkatao?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Ipaliwanag na madalas makipagugnayan si Pablo sa mga miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga liham, o sulat. Talakayin ang ilan sa mga paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga propeta, mga apostol, at iba pang mga pinuno ng Simbahan sa atin sa ngayon. Basahin ninyong mag-anak ang isang talumpati ng komperensiya mula sa Ensign o sa iba pang lathalain ng Simbahan. Talakayin kung paano ninyo maiaangkop ang mensahe nito.