Aralin 3
“Sapagka’t Ipinanganak sa Inyo Ngayon … ang Isang Tagapagligtas”
-
Ano ang mga kalagayan noong isinilang si Jesus? (Tingnan sa Lucas 2:7.) Sa paanong mga paraan tumatanggi ang mga tao sa ngayon na maglaan ng silid para sa Tagapagligtas sa kanilang buhay? Ano ang magagawa ninyo upang mapaglaanan siya ng silid sa inyong buhay?
-
Bakit nagpunta sa daigdig si Jesus? (Tingnan sa 3 Nephi 27:13–16.)
-
Ano ang ginawa ng “mga pantas na lalaking mula sa silanganan” nang makita nila ang batang si Jesus? (Tingnan sa Mateo 2:11.) Anong mga regalo ang maaari ninyong ihandog sa Panginoon?
-
Noong kanyang kabataan, si Jesus ay “lumaki sa karunungan at sa pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao” (Lucas 2:52). Sa madaling salita, siya ay umunlad sa kaisipan, sa pangangatawan, sa espirituwal, at sa pakikisalamuha sa mga tao. Ano ang ilang tiyak na mga bagay na magagawa ninyo upang umunlad kayo sa kaisipan, pangangatawan, sa espirituwal, at sa pakikisalamuha sa mga tao?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Basahin ang mga linya mula sa ilang mga himno o awitin sa Primarya tungkol sa pagsilang ni Jesus, at anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na sabihin kung ano ang pamagat ng mga himno o ng mga kanta. Umawit ng isa sa mga himno o mga awitin bilang pamilya, at talakayin ang kahalagahan ng paggunita sa pagsilang ni Jesus sa buong taon sa halip na sa tuwing sasapit lamang ang araw ng Pasko.