Aralin 23
“Kung Paanong Iniibig Ko Kayo, ay Mangag-ibigan Naman Kayo sa Isa’t Isa”
-
Nang magsama-sama sina Jesus at ang kanyang mga Apostol upang kainin ang pagkain ng Paskua ay pinasimulan ni Jesus ang ordenansa ng sakramento (Lucas 22:19–20). Bakit mahalagang tanggapin ang sakramento tuwing linggo? Paano ninyo espirituwal na maihahanda ang inyong sarili bago tanggapin ang sakramento?
-
Ano ang sinabi ni Jesus sa mga Apostol na dahilan kung bakit niya hinugasan ang kanilang mga paa? (Tingnan sa Juan 13:12–17.) Paano nakapagdulot sa inyo ng kaligayahan ang paglilingkod sa iba?
-
Sinabi ni Jesus, “Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa” (Juan 13:35). Ang pakikitungo ba ninyo sa iba ay nagpapakita na kayo ay isang disipulo, o tagasunod, ni Cristo? Ano ang ilang tiyak na mga bagay na magagawa ninyo upang masundan ang halimbawa ng pagmamahal ni Cristo?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Hilingan ang isang miyembro ng pamilya na basahin ang Doktrina at mga Tipan 20:77. Talakayin ang ibig sabihin ng tinapay ng sakramento. Hilingan ang isa pang miyembro ng pamilya na basahin ang Doktrina at mga Tipan 20:79. Talakayin ang ibig sabihin ng tubig ng sakramento, na binibigyang-diin na ngayon ay tubig ang ating ginagamit sa halip na alak. Ipaliwanag na kapag tumatanggap tayo ng sakramento, tayo ay nangangako na palaging aalalahanin si Jesus. Pag-usapan ang mga bagay na maaaring gawin ng mga miyembro ng pamilya na makatutulong sa kanila upang maalaala si Jesus.
Bilang bahagi ng talakayang ito ng pamilya, maaari ninyong naising awitin nang sama-sama ang isang himno ng sakramento o ang awitin sa Primarya na “To Think about Jesus” (Children’s Songbook, 71).