Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 28: ‘Mga Saksi Kami’


Aralin 28

“Mga Saksi Kami”

Ang Mga Gawa 1–5

  • Paano tinulungan ng kaloob na Espiritu Santo ang mga Apostol sa kanilang mga pananagutan na maging mga saksi ni Jesucristo? (Tingnan sa Juan 15:26–27; I Mga Taga Corinto 12:3.) Ano ang papel ng Espiritu Santo sa ating mga pagpupunyaging maituro ang ebanghelyo? (Tingnan sa 2 Nephi 33:1; Doktrina at mga Tipan 42:14.)

  • Paano tumugon si Pedro sa mga nangutya sa mga Apostol sa pagsasalita nila ng mga wika? (Tingnan sa Ang Mga Gawa 2:14–24, 36.) Ano ang hinangaan ninyo sa tugon ni Pedro? Bakit mahalagang magkaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo at sa kanyang banal na misyon? Paano tayo matutulungan ng Espiritu Santo na maibahagi ang ating mga patotoo?

  • Gumamit si Pedro ng himala upang magkaroon ng pagkakataon na magpatotoo tungkol kay Jesucristo (Ang Mga Gawa 3:12–26; 4:5–12). Anong mga pagkakataon ang mayroon tayo upang makapagpatotoo tungkol kay Cristo? Paano kayo pinagpala sa pagiging saksi ninyo (o naringgan ang iba na naging mga saksi) ni Jesucristo?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Basahin ang Mosias 18:8–9, na binibigyang pansin ang tagubilin na “tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar.” Tanungin ang mga miyembro ng pamilya kung paano nila masusunod ang tagubiling ito. Hayaang ikuwento ng isang miyembro ng pamilya ang naging karanasan niya sa pagiging saksi ni Jesucristo at ng kanyang ebanghelyo. Himukin ang mga miyembro ng pamilya na maging mga saksi ng Tagapagligtas sa mga bagay na sinasabi at ginagawa nila ngayong darating na linggo.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Mga Apostol— Natatanging mga Saksi ni Cristo