Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 40: ‘Lahat ng mga Bagay ay Aking Magagawa [sa Pamamagitan ni Cristo]’


Aralin 40

“Lahat ng mga Bagay ay Aking Magagawa [sa Pamamagitan ni Cristo]”

Taga Filipos; Taga Colosas; Filemon

  • Paano natin maisasagawa ang payo ni Pablo sa Mga Taga Filipos 4:8? (Tingnan din sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13.) Paano tayo pinagpapala kapag sinusunod natin ang payong ito?

  • Ano ang ibig sabihin ng manatiling “nababaon at matitibay” sa ebanghelyo? (Tingnan sa Mga Taga Colosas 1:23.) Ano ang mga dahilan kung bakit ang mga tao ay “nalalayo sa pag-asa ng ebanghelyo”? (Mga Taga Colosas 1:23). Ano ang maaari ninyong gawin upang mapatatag ang inyong patotoo?

  • Paulit-ulit na binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng pagiging mapagpasalamat (Mga Taga Colosas 2:7; 3:15, 17). Bakit mahalagang magpasalamat tayo? Paano ninyo maipapakita ang pasasalamat sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Isulat ang ikalabintatlong saligan ng pananampalataya sa pisara, poster board, o sa isang papel. Ipabasa sa buong pamilya ang talata nang mga ilang ulit. Sa tuwing babasahin ang talata, takpan o burahin ang isang mahalagang salita. Ipaulit nang ipaulit sa mga miyembro ng pamilya ang talata hanggang sa maisaulo nila ito.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: “Ang Payo ni Pablo”

Sa paggamit ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan, dagdagan ang sangguniang mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng paghahanap ng isang banal na kasulatan para sa bawat isa sa sumusunod na mga salita: katotohanan, matapat o katapatan, dalisay o kadalisayan, at kabaitan.