Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 2: ‘Dinadakila ng Aking Kaluluwa ang Panginoon’


Aralin 2

“Dinadakila ng Aking Kaluluwa ang Panginoon”

Lucas 1, Mateo 1

  • Ano ang matututuhan ninyo tungkol kay Maria mula sa kanyang mga pakikipag-usap sa anghel at kay Elisabet? (Tingnan sa Lucas 1:26–38, 45–49; tingnan din sa Alma 7:10.) Ano ang maaari ninyong gawin upang sundan ang kanyang halimbawa?

  • Paano nakatulong sa inyo ang mga halimbawa nina Elisabet, Zacarias, Juan Bautista, Maria, at Jose na makita ang kadakilaan ng Tagapagligtas at madagdagan ang inyong pananampalataya sa kanya? Paano ninyo matutulungan ang iba na madagdagan ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Basahin ang Lucas 1:16, at talakayin ang kahalagahan ng pagtulong sa mga tao na “bumaling sa Panginoon” sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kanila ng ebanghelyo. Gumawa ng listahan ng mga miyembro ng pamilya o mga kaibigan na hindi miyembro ng Simbahan o kaya ay hindi gaanong aktibong mga miyembro ng Simbahan. Manalangin kayong pamilya para sa patnubay sa pagpapasiya kung kanino ninyo maibabahagi ang ebanghelyo at kung paano gagawin ito.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Mga Propesiya Tungkol kay Juan Bautista