Aralin 4
“Ihanda Ninyo ang mga Daan ng Panginoon”
-
Anong mensahe ang ipinangaral ni Juan upang maihanda ang mga tao sa pagdating ng Tagapagligtas? (Tingnan sa Mateo 3:1–2.) Ano ang ibig sabihin ng magsisi? (Tingnan sa II Mga Taga Corinto 7:9–10; Lucas 19:8; Mosias 7:33; Doktrina at mga Tipan 1:31–32; 58:42–43.)
-
Habang binabasa ninyo ang tungkol sa pakikipagsagupaan ng Tagapagligtas kay Satanas sa ilang, ano ang natutuhan ninyo tungkol sa paglaban sa tukso? (Tingnan sa Mateo 4:1–11. Tingnan din sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Mateo 4:1, 5–6, 8–9, at 11.)
-
Matapos makatanggap ng patotoo na si Jesus ang Mesiyas, paano sinagot ni Felipe ang mga agam-agam ni Natanael? (Tingnan sa Juan 1:43–46.) Ano ang maaari ninyong gawin upang maanyayahan ang iba na “pumarito at tingnan” ang Tagapagligtas?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Maghanda ng aralin upang matulungan ang mga miyembro ng pamilya na naghahanda para sa pagbibinyag o maghandang talakayin ang mga paraan upang matulungan ang mga nagbalik-loob na malapit nang mabinyagan. Talakayin kung bakit kinailangan ni Jesus ang binyag (Mateo 3:13–15; 2 Nephi 31:6–9) at kung bakit kailangan natin ang binyag (2 Nephi 31:5, 10–12; Doktrina at mga Tipan 20:71–73; 49:13–14). Anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na nabinyagan na ikuwento ang tungkol sa kanilang binyag at ipahayag ang kanilang damdamin tungkol sa mga biyayang natanggap nila dahil sa nabinyagan sila.