Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 24: ‘Ito ang Buhay na Walang Hanggan’


Aralin 24

“Ito ang Buhay na Walang Hanggan”

Juan 16–17

  • Ano ang misyon ng Espiritu Santo? (Tingnan sa Juan 14:26; 15:26; 16:7–14.) Paano natin mababatid ang impluwensiya ng Espiritu Santo? (Tingnan sa Mga Taga Galacia 5:22–23; Doktrina at mga Tipan 6:15, 23; 11:13.) Paano kayo natulungan ng pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo?

  • Sinabi ni Jesus sa kanyang mga Apostol na, “Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: ngunit lakasan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan” (Juan 16:33). Paano kaya makatutulong sa atin ang kaalaman na nadaig ni Jesus ang daigdig upang magkaroon tayo ng lakas ng loob kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok? Bakit mahalagang magkaroon ng lakas ng loob?

  • Sa kanyang panalangin ay sinabi ng Tagapagligtas na, “At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang [si Jesucristo] iyong sinugo” (Juan 17:3). Paanong kaiba ang pagkakilala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pagkakaalam lamang ng tungkol sa kanila? Paano natin sila makikilala?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Sa isang kahon ay maglagay ng isang piraso ng papel na nasusulatan ng Ang Kaloob na Espiritu Santo. Sa pangalawang kahon ay ilagay ang isang piraso ng papel na nasusulatan ng Buhay na Walang Hanggan. Ibalot ang mga kahon upang magmistulang mga regalo. Ipaliwanag na sa Juan 16–17 ay binanggit ni Jesus ang dalawa sa mga pinakadakilang kaloob na maaari nating matanggap. Ipabukas sa isang miyembro ng pamilya ang unang kahon at ipabasa ang kapirasong papel na nasa loob nito. Basahin ang Juan 16:13, at ipaliwanag na sa talatang ito “ang Espiritu ng katotohanan” ay tumutukoy sa Espiritu Santo. Ipabukas sa isa pang miyembro ng pamilya ang pangalawang kahon at ipabasa ang kapirasong papel na nasa loob nito. Basahin ang Juan 17:1–3. Ipahayag ang inyong pasasalamat para sa kaloob na Espiritu Santo at ang pagkakataong matanggap ang buhay na walang hanggan.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: “Maging Isa, na Gaya Naman Natin na Iisa”