Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 16: ‘Ako’y Naging Bulag, Ngayo’y Nakakakita Ako’


Aralin 16

“Ako’y Naging Bulag, Ngayo’y Nakakakita Ako”

Juan 9–10

  • Pinagaling ni Jesus ang isang lalaking isinilang na bulag (Juan 9:1–7). Paano lumago ang patotoo ng lalaking ito habang ibinabahagi niya ang kanyang patotoo? (Paghambingin ang mga talata 11, 17, 33, at 38.) Paano lumago ang inyong patotoo nang ibahagi ninyo ito?

  • Ano ang isinagot ng mga magulang ng lalaking dating bulag nang tanungin sila ng mga Fariseo tungkol sa himala? (Tingnan sa Juan 9:18–23.) Bakit ganito ang naging sagot ng kanyang mga magulang? (Tingnan sa Juan 9:22.) Paano tayo minsan nagiging katulad ng mga magulang ng lalaking ito? Paano kayo magiging higit na magiting sa inyong mga patotoo?

  • Sa pagtatalakay ni Jesus tungkol sa pastor at kanyang mga tupa, sino ang kinakatawan ng mga tupa? (Tingnan sa Juan 10:4, 27.) Sino ang pastor? (Tingnan sa Juan 10:11.) Ano ang ilang katangian ng isang mabuting pastor? (Tingnan sa Juan 10:3–4, 7, 9–15.) Paano naging ganap na halimbawa si Jesus ng isang pastor?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Basahin ang Juan 9:1–38, na hinihilingan ang mga miyembro ng pamilya na maghanap ng mga paraan kung paano tinulungan ng Tagapagligtas ang bulag na lalaki na makakita kapwa sa pisikal at espirituwal. Talakayin kung paano magkatulad at magkaiba ang espirituwal na paningin at ang pisikal na paningin. Hilingan ang mga miyembro ng pamilya na talakayin ang mga paraan kung paano nila madaragdagan ang kanilang kakayahang “makita” ang mga katotohanan ng ebanghelyo.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Jesucristo—”Ang Mabuting Pastor”