Aralin 19
“Pinagaling Ka ng Pananampalataya Mo”
-
Paano ipinakita ng bulag na lalaki na malapit sa Jerico na may pananampalataya siya sa Panginoon? (Tingnan sa Lucas 18:38–42.) Paano kayo pinagpala sa pagpapairal ninyo ng pananampalataya kay Jesucristo?
-
Paano ipinakita ni Zaqueo ang kanyang matinding paghahangad na makita si Jesus? (Tingnan sa Lucas 19:3–4.) Ano ang sinabi ni Jesus kay Zaqueo matapos niyang makita ito sa puno? (Tingnan sa Lucas 19:5.) Paano tumugon si Zaqueo sa mga salita ni Jesus? (Tingnan sa Lucas 19:6.) Ano ang maaari nating gawin upang buong kagalakan nating tanggapin ang Tagapagligtas sa ating tahanan?
-
Ano ang hinangaan ninyo sa patotoo ni Marta na nakatala sa Juan 11:21–27.
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Basahin ang Juan 11:1–46. Tanungin ang mga miyembro ng pamilya kung ano ang nadarama nila tungkol sa Tagapagligtas sa pangyayaring ito. Pagbalik-aralan ang talata na nagpapakita sa pananampalataya nina Maria at Marta kay Jesucristo. Hilingan ang mga miyembro ng pamilya na pumili ng isang bagay na magagawa nila upang magpakita ng higit pang pananampalataya sa Tagapagligtas.