Mga Turo ng mga Propeta sa mga Huling Araw Tungkol sa mga Pagpapalang Dulot ng Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
“Saliksikin ang mga banal na kasulatan—saliksikin ang mga paghahayag na inilalathala natin, at itanong sa Ama sa langit, sa pangalan ng Kanyang Anak na si Jesucristo, na ipaalam sa inyo ang katotohanan, at kung gagawin ninyo ito nang nakatuon ang mata sa Kanyang kaluwalhatian nang walang pagaalinlangan, kayo ay sasagutin niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Banal na Espiritu. Sa gayon ay malalaman ninyo sa inyong sarili at hindi kayo aasa sa patotoo ng iba. Hindi na kayo aasa sa tao para sa kaalamang tungkol sa Diyos; ni hindi na ninyo pag-iisapan pa. Hindi; dahil kapag natanggap ng tao ang kanilang tagubilin mula sa Kanya na lumikha sa kanila, ay alam nila kung paano Niya sila ililigtas” (Joseph Smith, Teachings of the Prophet Joseph Smith, pinili ni Joseph Fielding Smith [1976], 11–12).
“Nagpapasalamat ako sa pagbibigaydiin sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan. Inaasahan ko na para sa inyo ito ay magiging higit na kasiya-siya sa halip na ituring na isang tungkulin; na, sa halip, ito ay magiging pakikipagsuyuan sa salita ng Diyos. Ipinapangako ko sa inyo na habang nagbabasa kayo, ang inyong mga kaisipan ay maliliwanagan at ang inyong mga espiritu ay maiaangat. Sa umpisa ay tila mahirap itong gawin, ngunit ito ay mababago at magiging kagila-gilalas na karanasan sa pamamagitan ng mga kaisipan sa salitang nauukol sa mga bagay na banal” (Gordon B. Hinckley, “The Light Within You,” Ensign, Mayo, 1995, 99).
“Habang binabasa ninyo ang buhay at turo ng Panginoong Jesucristo, kayo ay mas mapapalapit sa Kanya na siyang may-akda ng ating kaligtasan” (Gordon B. Hinckley, “Rise to the Stature of the Divine within You,” Ensign, Nob. 1989, 97).
“Kapag sinusunod natin ang payo ng ating mga pinuno na basahin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan, ay maraming uri ng pakinabang at pagpapala ang darating sa atin. Ito ang pinakakapaki-pakinabang sa lahat ng bagay na maaari nating mapagaaralan” (Howard W. Hunter, sa Conference Report, Okt. 1979, 91; o Ensign, Nob. 1979, 64).
“Kapag palagiang isinusubsob ng bawat miyembro at mga pamilya ang kanilang sarili sa mga banal na kasulatan, … ang iba pang mga gawain ay sadyang darating na lamang. Madaragdagan ang mga patotoo. Pag-iibayuhin ang taimtim na mga pangako. Lalakas ang mga pamilya. Dadaloy ang pagtanggap ng sariling paghahayag” (Ezra Taft Benson, “The Power of the Word,” Ensign, Mayo 1986, 81).
“Huwag nating ipagwalang-bahala ang dakilang mga bagay na natanggap natin mula sa kamay ng Panginoon! Ang Kanyang salita ang isa sa mga pinakamahalagang regalo na ipinagkaloob Niya sa atin. Hinihimok ko kayo na muling ipangako sa inyong sarili na pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Isubsob ninyo ang inyong sarili sa mga ito sa araw-araw upang mapasainyo ang kapangyarihan ng Espiritu na tutulong sa inyo sa lahat ng inyong mga tungkulin. Basahin ang mga ito sa inyong mga pamilya at turuan ang inyong mga anak na mahalin at pahalagahan ang mga ito” (Ezra Taft Benson, “The Power of the Word,” Ensign, Mayo 1986, 82).
“Napapansin ko na kapag nagaging pangkaraniwan ang aking pakikipag-ugnayan sa kabanalan at kapag tila walang banal na taingang nakikinig at walang banal na tinig na nagsasalita, na ako ay malayo, malayung-malayo. Kapag isinusubsob ko ang aking sarili sa mga banal na kasulatan ang agwat ay kumikitid at nagbabalik ang espirituwalidad. Natatagpuan ko ang aking sarili na higit na nagmamahal sa mga kailangan kong mahalin nang aking buong puso at kaisipan at lakas, at minamahal sila nang mas higit pa, nagiging mas madali para sa akin ang sumunod sa kanilang payo”.
“Naniniwala na ako na ang bawat isa sa atin, kahit paano sa ating buhay, ay kailangang tuklasin ang mga banal na kasulatan para sa ating sarili—at hindi lamang tuklasin nang minsan, kundi paulit-ulit na tuklasin ang mga ito” (Spencer W. Kimball, “How Rare a Possession—the Scriptures!” Ensign, Set. 1976, 4).
“Sa palagay ko ang mga taong nag-aaral ng mga banal na kasulatan ay nagkakaroon ng pananaw sa kanilang buhay na hindi nakakamtan ng ibang tao at hindi makakamtan sa ibang paraan maliban sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Nadaragdagan ang pananampalataya at ang pagnanais na gawin ang tama at nakadarama ng inspirasyon at pang-unawa na nagmumula sa mga taong nag-aaral ng ebanghelyo—lalo na ang Pamantayang mga Banal na Kasulatan—at pinagbubulay-bulay ang mga alituntunin, na hindi darating sa ibang paraan” (Bruce R. McConkie, sa Church News, ika-24 ng Ene. 1976, 4).
“Hinahamon ko ang bawat Banal sa mga Huling Araw na magkaroon ng kaalaman at pang-unawa sa mga banal na kasulatan. Ang mga sagradong aklat na ito ang ating pananggalang na pangdepensa laban sa tusong kalaban” (Marvin J. Ashton, sa Conference Report, Okt. 1977, 110; o Ensign, Nob. 1977, 73).
“Ipinapangako ko sa inyo na ang araw-araw na panalangin at pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng pamilya ay magtatayo sa mga dingding ng inyong tahanan ng kapanatagan at pagsasama na magpapayaman sa inyong buhay at maghahanda sa inyong mga pamilya sa pagharap sa mga hamon sa ngayon at sa darating na kawalang-hanggan” (L. Tom Perry,