Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 20: ‘Sa Aba Ninyo … mga Mapagpaimbabaw’


Aralin 20

“Sa Aba Ninyo … mga Mapagpaimbabaw”

Mateo 21–23; Juan 12:1–8

  • Ano ang nakaantig sa inyo sa pangyayaring si Jesus ay nakasakay sa asno nang buong kababaang-loob gayunman ay puno ng tagumpay na pumasok sa Jerusalem? (Tingnan sa Mateo 21:1–11.) Ano kaya ang maaaring nadama ninyo kung naroon kayo nang araw na iyon?

  • Bakit sa palagay ninyo napakahalaga ng dalawang kautusan na nasa Mateo 22:37–40? Ano ang maaari ninyong gawin upang lubos na maipamuhay ang mga kautusang ito?

  • Paulit-ulit na bumigkas ng panunumpa ang Tagapagligtas sa mga eskriba at Fariseo, dahil sila ay mga mapagpaimbabaw. Masyado nilang binigyang pansin ang panlabas na mga ordenansa at kilos na nagpapakita na tila matwid sila, ngunit hindi nila talagang binibigyang halaga ang pagiging matwid sa kanilang puso (Mateo 23:13–33). Ano ang maaari ninyong gawin upang maiwasan ang pagiging mapagpaimbabaw?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Magdrowing sa isang papel ng larawan ng isang punong-kahoy na may mga dahon ngunit walang bunga. Sa kabila ng papel ay idrowing ang larawan ng isang puno na may mga dahon at bunga. Ipakita sa mga miyembro ng pamilya ang larawan ng puno na walang bunga, at hilingan ang isang miyembro ng pamilya na basahin ang Mateo 21:17–20. Ipaliwanag na kapag nagkunwari tayong matwid ngunit hindi naman namumuhay na mabuti, tayo ay kagaya ng isang punong-kahoy na maraming dahon ngunit walang bunga. Ipakita sa mga miyembro ng pamilya ang larawan ng puno na may bunga, at himukin silang mamuhay nang matwid—na huwag lamang ipakita na tila matwid sila.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Tunay at Taimtim na Pangako