Aralin 27
“Siya’y Wala Rito; Sapagka’t Siya’y Nagbangon”
-
Bakit mahalagang malaman na si Jesus ay nagbangon mula sa mga patay? Ano ang epekto ng balitang ito sa sangkatauhan? Ano ang epekto nito sa inyo?
-
Nagpakita ang nabuhay na mag-uling Panginoon sa pito sa kanyang mga Apostol habang sila ay nangingisda at mahimalang binigyan sila ng napakaraming isda (Juan 21:4–7.) Matapos silang kumain, ano ang hiniling ni Jesus na gawin ni Pedro at ng iba pang mga Apostol? (Tingnan sa Juan 21:15–17.) Paano natin maaalagaan ang kawan ng Panginoon?
-
Ano ang dahilan ni Juan sa pagsusulat ng ilan sa mga bagay na binigkas at ginawa ng nabuhay na mag-uling si Jesus? (Tingnan sa Juan 20:30–31.) Paano kayo nakinabang mula sa pag-aaral ng mga pangyayari sa banal na kasulatan tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus?
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Ipasuot sa kamay ng isang miyembro ng pamilya ang isang guwantes at ipagalaw ang kanyang mga daliri. Ipaliwanag na ang guwantes ay sumasagisag sa ating mga katawan at ang kamay ay sumasagisag sa ating mga espiritu. Ang pinagsamang espiritu at katawan ang bumubuo sa isang buhay na tao. Ipahubad sa miyembro ng pamilya ang guwantes. Ipaliwanag na kapag tayo ay namatay, ang ating mga espiritu ay hihiwalay sa ating mga katawan. Pagkatapos ay mamamatay ang ating mga katawan, subalit mananatiling buhay ang ating mga espiritu. Ipasuot muli sa miyembro ng pamilya ang guwantes sa kanyang kamay. Ipaliwanag na ang pagkabuhay na mag-uli ang muling pagsasama ng espiritu at ng katawan. Kapag tayo ay nabuhay na mag-uli, hindi na tayo kailanman mamamatay ni daranas muli ng anumang karamdaman. Magpatotoo na dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, ang lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli. (Ang paksang aralin na ito ay hango sa pagtatanghal ni Elder Boyd K. Packer [sa Conference Report, Abr. 1973, 79–80; o Ensign, Hulyo 1973, 51, 53].)
Bilang bahagi ng talakayang ito ng pamilya, maaari ninyong naisin na sama-samang awitin ang “Siya’y Nabuhay!” (Mga Himno) o “Si Jesus Ba’y Muling Nagbangon?” (Aklat ng mga Awit Pambata).