Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 46: ‘Siya’y Mananahan sa Kanila, at Sila’y Magiging mga Bayan Niya’


Aralin 46

“Siya’y Mananahan sa Kanila, at Sila’y Magiging mga Bayan Niya”

Apocalipsis 5–6; 19–22

  • Ang isang bagay na natutuhan natin mula sa kabanata 6 ng Apocalipsis ay ang nakipaglaban si Satanas sa mabubuti sa kabuuan ng kasaysayan ng mundo. Ayon sa Apocalipsis 6:4–11, ano ang ilang paraan kung paano niya nagawa ito? Anong mga paraan (taktika) ang ginagamit ni Satanas ngayon sa pagsisikap na magapi ang mabubuti? Paano natin mapananatili ang pag-asa at ang positibong pananaw habang nakikipaglaban tayo sa digmaan laban kay Satanas?

  • Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo ang magpapasimula sa Milenyo, isang libong taong panahon kung kailan personal na maghahari si Cristo sa mundo. Ano ang mangyayari kay Satanas sa Milenyo? (Tingnan sa Apocalipsis 20:1–3.) Ano na ang magiging kalagayan ng buhay kapag naigapos na si Satanas? (Tingnan sa 1 Nephi 22:26; Doktrina at mga Tipan 45:55, 58.) Paano natin malilimitahan ang kapangyarihan ni Satanas sa ating buhay sa ngayon?

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Basahin ang Apocalipsis 20:1–3, na nagpapakita na si Satanas ay igagapos sa Milenyo. Pagkatapos ay bigyan ang mga miyembro ng pamilya ng mga bagong pahayagan o magasin. Patingnan sa kanila ang mga pahayagan o magasin at sabihin kung aling lathalain ang maaaring umiral o maaaring hindi na rin umiral sa pahayagan o magasin sa Milenyo.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Mga Salita ng Pag-asa at Aliw sa Aklat ng Apocalipsis