Aralin 22
“Manahin Ninyo ang Kahariang Nakahanda sa Inyo”
-
Ang talinghaga ng sampung dalaga (Mateo 25:1–13) ay paglalarawan ng Ikalawang Pagparito. Ang kasintahang lalaki ay kumakatawan sa Tagapagligtas, ang sampung dalaga ay kumakatawan sa mga miyembro ng Simbahan, at ang langis sa mga ilawan ay kumakatawan sa paghahanda para sa Ikalawang Pagparito. Ano ang ilang paraan ng pagdaragdag natin ng “langis” sa ating “mga ilawan”?
-
Sa Mateo 25:14–30, ang mga talento ay kumakatawan sa mga kaloob na mula sa Diyos. Ang bawat tao ay nabigyan ng kahit isa lamang na kaloob mula sa Diyos (Doktrina at mga Tipan 46:11–12), subalit ang ilang kaloob ay mas madaling makilala kaysa sa iba. Ano ang ilan sa mga kaloob na maaaring mahirap makilala ngunit maaaring magamit sa paglilingkod sa iba at pagluwalhati sa Diyos?
-
Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng Tagapagligtas nang sabihin niyang, “Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa”? (Mateo 25:40; tingnan din sa Mosias 2:17).
Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya
Basahin ang talinghaga ng mga talento (Mateo 25:14–30), at ipaliwanag na ang mga talento ay kumakatawan sa mga kaloob na mula sa Diyos. Hilingan ang bawat miyembro ng pamilya na magsabi ng isa o dalawang mga talento o kaloob na natanggap nila. Pagkatapos ay hayaang sabihin ng bawat miyembro ng pamilya ang tungkol sa mga talento o kaloob na natanggap ng bawat isa sa mga miyembro ng pamilya. Talakayin ang mga paraan kung paano magagamit ng mga miyembro ng pamilya ang mga kaloob na ito upang makatulong sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa mundo.