Sunday School: Doktrina ng Ebanghelyo
Aralin 12: ‘Ako ang Tinapay ng Kabuhayan’


Aralin 12

“Ako ang Tinapay ng Kabuhayan”

Juan 5–6; Marcos 6:30–44; Mateo 14:22–33

  • Hinamon ni Jesus ang mga pinuno ng mga Judio na “saliksikin … ang mga kasulatan” (Juan 5:39). Ano ang kaibahan ng pagsasaliksik ng mga banal na kasulatan at pagbabasa ng mga ito? Paano ninyo nagawang higit na makabuluhan ang inyong pansarili at pangmag-anak na pag-aaral ng mga banal na kasulatan? Paano kayo nabiyayaan sa pagsasaliksik ninyo sa mga banal na kasulatan?

  • Bakit nanghina ang pananampalataya ni Pedro nang lumalakad na siya sa ibabaw ng tubig? (Tingnan sa Mateo 14:30.) Paano tayo nakagagawa ng gayon ding pagkakamali kapag dumarating na ang mga problema?

  • Paano naging angkop na paglalarawan sa Tagapagligtas at sa mga biyayang iniaalok niya sa atin ang “tinapay ng kabuhayan”? (Tingnan sa Juan 6:35, 47–51.) Paano tayo makikibahagi sa “tinapay ng kabuhayan”? (Tingnan sa Juan 6:47, 51–54; Mateo 26:26–28; Alma 5:33–35; Doktrina at mga Tipan 20:77.)

Mungkahi para sa Talakayan ng Pamilya

Basahin ang Mateo 14:22–32. Bigyang-diin na nagpakita ng pananampalataya si Pedro nang lumakad siya sa tubig, ngunit nagsimula siyang lumubog nang matakot siya. Ipakita ang larawan ni Jesucristo, at tiyakin sa mga miyembro ng pamilya na bagama’t minsan ay magkakaroon ng problema sa kanilang paligid, ay mapaglalabanan nila ang takot sa pamamagitan ng paggunita sa Tagapagligtas at pagsunod sa kanya. Hilingan ang mga miyembro ng pamilya na magkuwento ng mga pagkakataon kung kailan napaglabanan nila ang takot sa pamamagitan ng paggunita kay Jesucristo at sa kanyang mga turo.

Sangguniang mga Banal na Kasulatan: Ang mga Banal na Kasulatan ay Nagpapatotoo Tungkol kay Cristo